Sara-HNP aprub sa term sharing na may basbas ni Duterte

Kinumpirma ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte Ang pagsuporta ng partidong Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa nabuong term-sharing agreement sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

The post Sara-HNP aprub sa term sharing na may basbas ni Duterte first appeared on Abante.

sara hnp aprub sa term sharing na may basbas ni duterte - Sara-HNP aprub sa term sharing na may basbas ni Duterte
abante sara duterte 1 - Sara-HNP aprub sa term sharing na may basbas ni Duterte

Kinumpirma ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte Ang pagsuporta ng partidong Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa nabuong term-sharing agreement sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang pagkumpirma ng presidential daughter ay matapos ang pakikipagpulong nito kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nitong Biyernes.

Ayon kay Duterte sa naturang pulong ay humingi umano sa kanya si Velasco ng tulong upang makuha ang boto ng tatlong HNP congressmen mula sa Davao para sa kanyang speakership bid. Si Duterte ang HNP chairperson.

“Congressman Velasco came to Davao City to personally meet me and discuss Hugpong Ng Pagbabago. He intimated that there will be a Speakership vote and he sought for my help, as the chairperson of HNP, with regard to the votes of the three HNP Congressmen from Davao region,” ayon kay Duterte sa kanyang statement.

Ayon pa kay Duterte, “I told him that HNP was created to propel unity and development in Davao region and assist the administration of President Duterte.”

Iginagalang umano ng HNP ang nabuong kasunduan sa pagitan nina Velasco at House Speaker Alan Peter Cayetano.(Eralyn Prado)

The post Sara-HNP aprub sa term sharing na may basbas ni Duterte first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *