Sara gigibain kapit-tukong si Alan

Muling masusubukan ang puwersa ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio matapos lumutang na personal umano niyang nililigawan ang mga miyembro ng Kamara para suportahan si Marinduque Rep. Allan Lord Velasco bilang susunod na Speaker ng Kongreso.

The post Sara gigibain kapit-tukong si Alan first appeared on Abante.

sara gigibain kapit tukong si alan - Sara gigibain kapit-tukong si Alan
abante alan 1 - Sara gigibain kapit-tukong si Alan

Muling masusubukan ang puwersa ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio matapos lumutang na personal umano niyang nililigawan ang mga miyembro ng Kamara para suportahan si Marinduque Rep. Allan Lord Velasco bilang susunod na Speaker ng Kongreso.

Ayon sa ulat ng Politiko online news, tapos na umano ang maliligayang araw ni House Speaker Alan Peter Cayetano dahil titiyakin ni Mayor Sara na hindi na ito makakaporma pa para manatili sa kanyang makapangyarihang posisyon sa Kamara.

Matatandaang ang presidential daughter din umano ang nasa likod ng pagkakasibak ay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang House Speaker matapos itong magbanta na kaya nitong patalsikin sa puwesto ang kanyang ama noong Hulyo ng 2018.

Dalawang taon ang nakalipas at eeksena umano ulit ang nag-iisang anak na babae ni Pangulong Duterte para kalusin at wakasan ang maliligayang araw ni Cayetano bilang lider ng mahigit 200 kongresista sa bansa.

Nabatid pa na sinimulan na umano ni Mayor Sara ang tawag-brigade at pagpapadala ng mga mensahe sa mga lider ng political party sa Kamara para suportahan at mailuklok si Velasco bilang bagong House Speaker sa idaraos na special session mula Oktubre 13 hanggang 16.

Napag-aalamang sisiguruhin umano ni Inday Sara na mabibigo si Cayetano na maharang ang eleksyon sa posisyon ng House Speaker sa Oktubre 14.

Noong Oktubre 6, pinasuspindi ng mga kaalyado ni Cayetano ang pagpasa sa panukalang budget hanggang Nobyembre 16 para maharang ang eleksyon sa pagka-House Speaker sa Oktubre 14.

Samantala, nakitang magkasama sa isang larawan na kumakalat sa social media sina Velasco at Mayor Sara.

Ayon sa kampo ni Velasco nag-usap ng masinsinan ang dalawang politiko para masiguro matutupad ang napagkasunduang term sharing.

Sinabi ni PDP Laban executive director Ron Munsayac na ang buong PDP-Laban ay suportado ang gentleman’s agreement na pinamunuan ni Pangulong Duterte. (Mia Billones)

The post Sara gigibain kapit-tukong si Alan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *