Sara dinemote si Alan

INALOK ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte ang puwesto ng Majority Leader kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa halip na maghangad pa itong Speaker ng Kamara.

The post Sara dinemote si Alan appeared first on Abante News Online.

sara dinemote si alan - Sara dinemote si Alan
ABANTE sara 2 - Sara dinemote si Alan

NI: JC Cahinhinan/Aileen Tali­ping

INALOK ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte ang puwesto ng Majority Leader kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa halip na maghangad pa itong Speaker ng Kamara.

Ginawa ng Hugpong ang hakbang na ito kasabay ng pag-endorso kay Davao City Rep. Isidro Ungab bilang House Speaker.

Bukod kay Cayetano, pinanukala rin ng HNP na bigyan na lamang ng ibang puwesto ang dalawa pang kandidato sa speakership race.

“We suggest that Cong. Alan Peter Cayetano take the Majority Leader position, Cong. Lord Alan Velasco to take the Appropriations Committee, and Cong. Martin Romualdez to head the Accounts Committee,” ayon pa sa statement ng regional party.

Pinaatras din ng HNP si Davao Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte sa plano nitong tumakbo sa speakership sa ngalan ng delicadeza.

Batid nilang hindi papayag si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa plano ng kanyang anak na makihalo sa agawan sa liderato ng Kamara.

Dahil dito, inindorso ng HNP ang kandidatura ni Congressman Isidro Ungab para maging House Speaker ng 18th Congress.

“We understand if President Duterte, because of delicadeza, will not accept the intent of our brother from Hugpong sa Tawong Lungsod, Congressman Paolo Duterte, to resolve the conflict among candidates.

Therefore, we are endorsing the bid of Congresman Isidro Ungab for Speaker,” ang pahayag ng Hugpong ng Pagbabago.

Si Ungab ay four-term Congressman at tanging mambabatas na hu­mawak ng dalawang komite, ang Ways and Means at Appropriations Committee.

Nakamasid ang partido sa mga kaganapan sa Kamara at umaasang maliliwanagan ang mga mambabatas kung sino ang dapat mamuno sa kanila para sa interes ng samba­yanan.

“We earnestly hope that everyone can see the light in this option and move forward with urgency in ser­ving our country,” dagdag pa ng HNP.

The post Sara dinemote si Alan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *