Sara bad trip kay Faeldon

DISMAYADO si Davao City Ma­yor Sara Duterte-Carpio dahil sa napabalitang pagpapalaya ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon sa apat na high-profile convicted Chinese drug lord noong Hunyo.

sara bad trip kay faeldon - Sara bad trip kay Faeldon
ABANTE sara duterte - Sara bad trip kay Faeldon

DISMAYADO si Davao City Ma­yor Sara Duterte-Carpio dahil sa napabalitang pagpapalaya ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon sa apat na high-profile convicted Chinese drug lord noong Hunyo.

Ayon kay Duterte, maitutu­ring na sampal sa war on drugs ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte matapos palayain ng BuCor sa ilalim ni Fael­don ang mga kilabot na drug pusher na sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, at Wu Hing Sum.

Ang mga nasabing convicted Chinese national ay kabilang sa 48 drug personality na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance provision na nakapaloob sa Revised Penal Code sa ilalim ng Republic Act No. 10592.
“Yes, of course (that’s a major blow in the campaign against illegal drugs),” pag-amin ni ­Mayor Duterte.

Puwede umanong sibakin ng Palasyo si Faeldon ayon sa anak ng Pangulo kung mapapatunayan na walang basehan ang kanyang pagpapalaya sa mga nasabing preso na convicted dahil sa mga heinous crime kagaya ng murder at pagkakasangkot sa iligal na droga.

“I think the Office of the Presi­dent should ask him to explain and then exercise the power to review. Thereafter, they can fire or ask him to resign if they think he had no basis in law for all the releases made,” saad ni Duterte.

Giit ng Presidential daughter, hindi dapat mapabilang ang mga killer, rapist at iba pang convicted dahil sa heinous crime sa mga makikinabang sa GCTA clause ng kasalukuyang batas dahil sa bigat ng mga pagkakasalang kanilang nagawa.

“GCTA should exclude heinous crimes mainly on the basis of the unspeakable evil of the crime they committed,” saad ni Duterte.

Ayon kay Mayor Sara, dapat umanong pagbayarin ng mga nahatulan dahil sa heinous crime ang kanilang mga atraso lalo pa at pang habang-buhay ng dala ng kanila mga naagrabyado ang sakit ng damdamin dahil sa kanilang nagawang krimen.

“They may reform inside the prison but they should be made to pay for life of the depravity of the crime they have committed. That is the price they pay.”
Una ng ibinuking ni Party-list­ Cong. Jericho Nograles (Puwersa­ ng Bayaning Atleta) aabot sa 816 heinous crime convict ang nakalabas ng New Bilibid Prison (NBP) sapul ng umupong hepe ng BuCor si Faeldon noong Nobyembre 2018.
Hirit pa ni Mayor Sara, dapat lamang na bitayin ang mga convicted inmate na nahatulan dahil sa mga heinous crime kung siya ang tatanungin.

“No point in using government money in keeping them alive. An eye for an eye, a tooth for a tooth for heinous crimes convicts is reasonable,” saad ni Duterte. Naniniwala naman si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na patuloy na pinagkakatiwalaan ni Pangulong Duterte si Faeldon kahit na marami na ang nananawagan na siya’y sibakin.

“Hanggang hindi nagsasalita si Presidente, the presumption is he still has the trust and confidence,” saad ni Panelo.

Aniya, hindi rin nababanggit sa Pangulo ang mga panawagan sa pagpapatalsik sa BuCor chief.

“Wala. Wala pa naman syang sinasabi. Hayaan natin si Presidente kung ano ang kanyang magiging desisyon diyan,” dagdag pa niya. (JC Cahinhinan/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *