SAP kurakot lumobo sa 1,300

Umakyat na sa mahigit 1,000 ang mga sinampahan ng kaso kaugnay sa maanomalyang distribusyon ng social amelioration program (SAP) ng gobyerno.

The post SAP kurakot lumobo sa 1,300 first appeared on Abante.

sap kurakot lumobo sa 1300 - SAP kurakot lumobo sa 1,300
abante sap 2 - SAP kurakot lumobo sa 1,300

Umakyat na sa mahigit 1,000 ang mga sinampahan ng kaso kaugnay sa maanomalyang distribusyon ng social amelioration program (SAP) ng gobyerno.

Sa pulong kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na nasa 1,278 na ang kinasuhan ng DILG.

Nasa 367 opisyal naman ng pamahalaan ang sinampahan ng kaso.

May 27 umanong anomalya sa SAP ang muling hinain sa Office of the Ombudsman, habang 270 naman ang sinampa sa Prosecutors’ Office, kasama ang 30 kaso na umabot na sa trial court.

Ang ulat ng kalihim ay batay sa mga nakalap na criminal complaint na kaugnay ng SAP na inimbestigahan ng DILG, kabilang ang 782 reklamo.

Kabilang sa mga sinampang kaso ay paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, RA 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards, at Bayanihan to Heal as One Act. Mayroon din umanong ilang opisyal ang sinampahan ng kasong robbery extortion at grave threat.

Sa mga kasong administratibo laban sa mga barangay chairperson, sinabi ni Año na may 184 reklamo ang dinala na sa Prosecutors’ Office, 57 ang nasa trial court, habang 66 ang muling hinain sa Office of the Ombudsman.

“Mayroon tayong kasalukuyang under suspension na 89 barangay chairmen,” sabi pa ni Año.

The post SAP kurakot lumobo sa 1,300 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *