Sangkot na mga airport off’l sa human trafficking huhubaran

NAGSASAGAWA ngayon ng imbestigasyon ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa ilang seryosong akusasyon laban sa ilang tauhan nito na nakatalaga sa paliparan.

The post Sangkot na mga airport off’l sa human trafficking huhubaran appeared first on Abante News Online.

sangkot na mga airport offl sa human trafficking huhubaran - Sangkot na mga airport off’l sa human trafficking huhubaran
HT - Sangkot na mga airport off’l sa human trafficking huhubaran

NAGSASAGAWA ngayon ng imbestigasyon ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa ilang seryosong akusasyon laban sa ilang tauhan nito na nakatalaga sa paliparan.

Sa isang pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, sinabi niya na sisilipin nito ang mga ulat ng katiwalian ng ilan sa kanyang mga tauhan sa paliparan.

Nag-ugat ang imbestigasyon sa impormasyon na ilang mga opisyal ng BI na nasa Port Operations Division (POD) ay maaaring sangkot sa human trafficking.

“We will elevate this to the Department of Justice (DOJ), our mother department, for investigation. We suspect that other agencies may be included in this complaint as well, as anti-trafficking efforts is a shared responsibility of all members of the Inter-Agency Council Against Trafficking,” ani Morente.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na walang humpay ang kanilang kampanya laban sa trafficking.

“The BI has accomplished so much in preven­ting human trafficking. We have elevated our status from Tier 2 to Tier 1 in the US State Department’s Trafficking in Persons report, and have retained that good standing for three consecutive years,” dagdag pa ni Morente.

Binigyan-diin ni Morente na kung kinakaila­ngan ang kamay na bakal upang madisiplina ang kanyang mga tauhan, ay gagawin niya.

“This is one of the reasons why we are reques­ting the urgent passage of the Bureau of Immigration bill during the next congress. Currently, our Board of Discipline may only recommend action to the DOJ. It is the DOJ who has the power to hire and fire employees.

We believe that the control over administrative matters should be delegated to the BI, for us to be able to enforce immediate sanctions,” ayon pa sa opisyal. (Mina Aquino)

The post Sangkot na mga airport off’l sa human trafficking huhubaran appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *