Sanggol tinangay ng pinsan

Upang mapatunayang nabuntis at nagkaanak , tinangay ng isang 17-anyos na dalaga ang sanggol na pinsan sa Batangas at dinala sa kanyang dyowa sa Quezon City

sanggol tinangay ng pinsan - Sanggol tinangay ng pinsan
baby 3 - Sanggol tinangay ng pinsan

Upang mapatunayang nabuntis at nagkaanak , tinangay ng isang 17-anyos na dalaga ang sanggol na pinsan sa Batangas at dinala sa kanyang dyowa sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Shiela May, residente ng Barangay San Roque, Sto Tomas, Batangas na kinasuha ng kidnapping.

Batay sa report ng pulisya, nagulat na lamang nang magising ang ina ng bata na si Analiza Aboy na nawawala ang kangyang dalawang buwang sanggol na lalaki noong Linggo ng madaling araw.

Sa kuha ng CCTV, nakita ang dalagang suspek na dala-dala ang bata habang palabas ng bahay at naglakad papalayo bandang alas 4:00 ng madaling araw.

Malaya umanong nakakalabas-masok ang suspek sa tahanan ng biktima dahil malapit ito sa pinsan na sanggol at siya pa minsan ang nag-aalaga dito.

Ayon kay PCpl. Mylene Paulmitan, Women and Children Protection Desks (WCPD) chief ng Sto, Tomas police, lumalabas sa imbestigasyon na tinangay ng suspek ang sanggol upang ipakita ito sa kanyang boyfriend na si Wilbert Gumarin na nagtatrabaho sa Quezon City.

Dati umanong kasama sa trabaho nito ang suspek subalit nagpaalam ito noong nakaraang ilang buwan matapos na sabihin nitong siya ay buntis at manganganak sa probinsya sa buwan ng Agosto.

Agad sinugod ng mga tauhan ng Sto Tomas police ang tinitirahan ng nobyo sa Quezon City subalit hindi naabutan ang suspek na nagpasabi na ibabalik naman niya umano ang sanggol. ( Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *