Sanchez secret weapon ng Washington

Pasiklab ang secret weapon ng Washington na si Anibal Sanchez sa opener ng NL (National League) Championship Series Biyernes ng gabi.

sanchez secret weapon ng washington - Sanchez secret weapon ng Washington
anibal sanchez - Sanchez secret weapon ng Washington

Pasiklab ang secret weapon ng Washington na si Anibal Sanchez sa opener ng NL (National League) Championship Series Biyernes ng gabi.

Walang pinalusot na hit ang right hander hanggang eighth inning, at nalusutan ng Nationals ang St. Louis Cardinas 2-0.

Kumonekta ng dalawang hits si Howie Kendrick para sa Washington.

“Tonight was obviously vintage Anibal,” bulalas ni first baseman Ryan Zimmerman.

Tatlong runners lang ang nakaalpas kay Sanchez pagpasok ng eighth.

Kinuryente ni Zimmerman si Tommy Edman sa diving grab para sa first out, pero naka-single si pinch-hitter Jose Martinez habang may two outs para sa unang hit ng Cards.

Inakala ni Sanchez na tatapusin na niya ang no-hitter nang masalo ni Zimmerman ang bola.

“When Zimmerman caught the ball I said, ‘OK, ai’ve got it,’” anang pitcher.

Pumalit sa mound si Sean Doolittle at nakakuha ng four straight outs para kumpletuhin ang save ng one-hitter game.

Sa Busch Stadium sa St. Louis pa rin ang Game 2 ngayon. Uumpisahan ni Washington ace Max Scherzer ang laro laban kay Adam Wainwright ng Cardinals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *