Sanchez release order ayaw ilabas

HININGI ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa Bureau of Corrections (BuCor) ang listahan ng mga presong nakatakda sanang makalaya noong Agosto 20 kung saan kasama sana si convic­ted rapist-murderer Antonio Sanchez, subalit nawawala diumano ang listahan ito.

sanchez release order ayaw ilabas - Sanchez release order ayaw ilabas
ABANTE sanchez - Sanchez release order ayaw ilabas

HININGI ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa Bureau of Corrections (BuCor) ang listahan ng mga presong nakatakda sanang makalaya noong Agosto 20 kung saan kasama sana si convic­ted rapist-murderer Antonio Sanchez, subalit nawawala diumano ang listahan ito.

“We are trying to look for a copy of the August 20 release order in favor of Mayor Sanchez but apparently nawawala ang kopya,” sabi ni Lacson.

Nauna nang sinabi ni Sanchez, dating mayo­r ng Calauan, Laguna at ng kanyang pamilya na nilagdaan ng BuCor ang kanyang release document subalit dahil sa public pressure ay inipit ito.

“If we take the word of the members of the family there was a release order issued as of August 20. Sabi nila nakapag-fingerprint na si Mayor Sanchez,” sabi ni Lacson.

Nauna nang naghinala si Lacson na maa­ring mayroon nang tara o pay off system sa BuCor kasunod nang pahayag ni BuCor chief Nicanor Faeldo na 11,000 preso ang makakalaya sa NBP dahil sa ‘good conduct’.

“By his own admission sinabi ni Dir. Faeldon na 11,000 ang naka-lineup na ire-release. That’s why maybe it’s subliminal or malicious or mischievous kaya ko naisip na baka parang container per container P5,000 or P10,000, baka per released convict baka may corresponding amount,” saad ni Lacson.
“When we talk of 11,000 convicts to be released at P10,000 each or P5,000 each, you can just imagine the huge amount of money involved. I’m not saying it happened. But sabi ko nga, puwedeng isipin. Kasi bakit in bulk ganoon karami,” dagdag pa nito.

Samantala, nais namang paimbestigahan ni Party-list Cong. Jericho Nograles (Puwersa ng Bayaning Atleta) ang posibleng koneksyon ng pagpatay sa isang opis­yal ng BuCor sa napurnadang pagpapalaya kay Sanchez.

Naniniwala si Nograles na ang pagpatay kay Ruperto Traya Jr., 53-anyos, ay konektado sa bigong paglaya ni Sanchez dahil ito ang hepe ng Document Processing Division ng BuCor.

“(The) Sanchez release brouhaha may have something to do with the murder of Traya who has access to the documents which may prove or disprove the existence of convicted rapist-killer’s release order,” saad Nograles.

Si Traya ay binaril ng gunman na nakasakay sa motorsiklo noong Martes nang hapon sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) compound sa Muntinlupa City.

“We need to know the existence of this document and who signed it. Too bad one of the people who can apparently shed light on this was murdered last Wednesday,” ani ni Nograles. (Dindo Matining/JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *