Sanchez dapat binitay noon pa — Bato

Sanchez dapat binitay noon pa — Bato

NANINIWALA si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na ang pagbabalik ng death penalty o parusang kamatayan lang ang solusyon para hindi na magkaroon ng karumal-dumal na krimen at mapigilan ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa.

sanchez dapat binitay noon pa bato - Sanchez dapat binitay noon pa — Bato
bato 10 - Sanchez dapat binitay noon pa — Bato

NANINIWALA si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na ang pagbabalik ng death penalty o parusang kamatayan lang ang solusyon para hindi na magkaroon ng karumal-dumal na krimen at mapigilan ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag sa panayam sa ABS-CBN kahapon matapos siyang tanungin kung kuwalipikado ba si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez para mabigyan ng maagang paglaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance Law (GCTA).

“Kung ako lang masunod dapat binitay na ‘yun noon pa. Dapat binitay na ‘yan noon pa, e wala tayong death penalty e,” sabi ni Dela Rosa.

“Kung meron sanang death penalty, that cures everything. Pati ‘yung mga drug lord dyan na hanggang ngayon kung meron pa mang nagtra-transact pa rin drug business sa labas, e hindi na ‘yan makapag-conduct ng drug business nila dahil patay na, bitayin na dapat ‘yan,” dagdag nito.

Si Sanchez ay nakulong dahil sa panggagahasa at pagpatay kay University of the Philippines-Los Baños student Eileen Sarmenta gayundin sa pagkitil sa buhay ng kabigan nitong si Allan Gomez noong 1993.

“To simplify everything, restore death penalty para matapos na ‘yang lahat,” sabi ni Dela Rosa, isa sa mga senador na naghain ng panukala ibalik ang capital punishment.

Nakaladkad ang pangalan ni Dela Rosa sa kontrobersiya sa pagpapatupad ng GCTA Law matapos nitong aminin na nilagdaan niya ang release order ng 120 heinous crime convict.

Subalit giit nito, ang mga release order ay alinsunod sa batas at sa implementing rules and regulations nito. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *