San Miguel-Ramon Ang bubuhos sa SEAG

Hindi alintana ni San Miguel Corp. top executive Ramon Ang kung magkano ang magagasta para sa Southeast Asian Games (SEAG) hosting ng Pilipinas ngayong 2019.

The post San Miguel-Ramon Ang bubuhos sa SEAG appeared first on Abante News Online.

san miguel ramon ang bubuhos sa seag - San Miguel-Ramon Ang bubuhos sa SEAG
ramon - San Miguel-Ramon Ang bubuhos sa SEAG

Hindi alintana ni San Miguel Corp. top executive Ramon Ang kung magkano ang magagasta para sa Southeast Asian Games (SEAG) hosting ng Pilipinas ngayong 2019.

Sa panayam sa ANC, naitanong kay Ang ang tungkol sa inaayos na New Clark Sports City para sa parating na 30th SEA Games sa Nobyembre.

Aniya handa niyang suportahan ang Philippine Olympic Committee na nasa pamumuno ni Ricky Vargas.

“We have been supporting the sports. In fact, we have supported Ricky Vargas and we will continue to support… eh ‘yung sports eh I think nasa dugo ng mga Pilipino ‘yun eh,” ayon kay Ang.

Kahit magkano ayon pa kay Ang ay handa nilang ibigay para sa bayan.

“Hindi na bale yung amount. Whatever it takes to support our country we will do it,” saad pa.

Ito ay kasunod ng mga ugong-ugong na posibleng mapurnada ang hosting ng Pilipinas para sa SEA Games dahil sa kakulangan ng pondo na pinabulaanan naman ng Philippine South East Asian Games Organizing Committee.

The post San Miguel-Ramon Ang bubuhos sa SEAG appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *