San Juan pinasinayaan mga ‘hand washing station’ sa barangay

Pinasinayaan ni San Juan City Councilor Jana Ejercito ang apat na hand washing station na inilagay sa mga barangay bilang paalala sa mga residente na ugaliin ang paghuhugas ng kamay bilang pag-iwas sa COVID-19.

The post San Juan pinasinayaan mga ‘hand washing station’ sa barangay first appeared on Abante.

san juan pinasinayaan mga hand washing station sa barangay - San Juan pinasinayaan mga ‘hand washing station’ sa barangay
abante water - San Juan pinasinayaan mga ‘hand washing station’ sa barangay

Pinasinayaan ni San Juan City Councilor Jana Ejercito ang apat na hand washing station na inilagay sa mga barangay bilang paalala sa mga residente na ugaliin ang paghuhugas ng kamay bilang pag-iwas sa COVID-19.

Katuwang ang Rotary Club of Mandaluyong-Pasig-San Juan at Rotary Club of Neede, The Netherlands, District 1560, pinasinayanan ang apat na handwashing stations na inilagay sa apat na barangay ng Sta. Lucia Elementary School/ Barangay Hall, San Perfecto Basketball Court, Police/ Fire Station/ Barangay Health Center, Onse Barangay Hall at sa Barangay West Crame Elementary School/ Police Station/ Barangay Health Center.

Layunin nito na makaiwas sa pagkalat ng coronavirus at makatulong sa mga residente na maging malinis at ugaliin ang paghuhugas ng kamay.

Kabilang na ang mga tricycle driver na pinaalalahanan na ugaliin ang paghuhugas ng mga kamay para na rin sa kanilang kalinisan.

Ayon kay Rotary Club of Mandaluyong-Pasig-San Juan President Aileen Perez, ang paglalaan nila ng hand washing stations ay para na rin sa paghahanda sa mga residente na kung saan ay inaasahan ang pagdating ng mga tao ngayong panahon ng Kapaskuhan .

Siniguro naman ng grupo na sumusunod sa health protocol ang kanilang wash stations dahil ito ay tinatapakan lamang para lumabas ang tubig at hindi na kailangang hawakan ang gripo sa paghuhugas ng kamay.

Sumang-ayon naman si Barangay Onse Chairman Roberto Alba sa proyekto at inobliga ang lahat ng pumapasadang tricycle driver na maghugas muna ng kamay bago bumiyahe at magsakay ng pasahero, kasabay ng regular na pagsa-sanitize ng tricycle upang mapanatili ang kalinisan at makaiwas sa sakit. (Vick Aquino)

The post San Juan pinasinayaan mga ‘hand washing station’ sa barangay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *