Samar Rep Tan inabsuwelto sa ₱69M medicine scam

INABSWELTO ng Sandiganbayan si Samar Rep Milagrosa Tan at anim iba pa kaugnay sa pagbili ng may P69 mil­yong halaga ng gamot, medi­cal at dental supplies noong 2007.

The post Samar Rep Tan inabsuwelto sa ₱69M medicine scam appeared first on Abante News Online.

samar rep tan inabsuwelto sa e282b169m medicine scam - Samar Rep Tan inabsuwelto sa ₱69M medicine scam
tan 2 - Samar Rep Tan inabsuwelto sa ₱69M medicine scam

INABSWELTO ng Sandiganbayan si Samar Rep Milagrosa Tan at anim iba pa kaugnay sa pagbili ng may P69 mil­yong halaga ng gamot, medi­cal at dental supplies noong 2007.

Maliban kay Tan lusot din sa kaso sina Roselyn Larce, Bienvenido Sabenecio Jr., Francasio Detosil, Ariel Yboa, Rolando Montejo at George Abrina.

Kasabay ng pagpapawalang-sala sa mga nabanggit ay pinababalik din ng Sandiganba­yan ang bail bond ng mga ito at pag-alis sa watchlist ng Bureau of Immigration.

Ang kaso ay nag ugat sa pagbili ng Samar provincial government kung saan provincial governor si Tan ng P69 milyong halaga ng gamot at supplies sa Zybermed Medi Pharma na pagmamayri ng isang Roselyn Larce noong Marso 28 at Agosto 21, 2007.

Sa 67 pahinang desisyon ng Sandiganba­yan iginiit nito na walang patunay na naging “disadvantage” sa Samar ang pagbili ng gamot gayundin ay walang ebidensya na overpriced ang mga ito, napatunayan din umano na nai-deliver ang mga gamot at naipama­hagi sa mga residente, ipinunto pa ng graft court na dumaan din sa tamang bidding at procurement process ang proyekto.

The post Samar Rep Tan inabsuwelto sa ₱69M medicine scam appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *