Saludo sa mababait na mga batang–Malabon

TRENDING sa Facebook kamakailan ang mga batang taga-Malabon na nakapulot ng wallet at isinauli nang kumpleto ang laman ng pitaka.

The post Saludo sa mababait na mga batang–Malabon appeared first on Abante News Online.

saludo sa mababait na mga batang malabon - Saludo sa mababait na mga batang–Malabon
bata 3 - Saludo sa mababait na mga batang–Malabon

TRENDING sa Facebook kamakailan ang mga batang taga-Malabon na nakapulot ng wallet at isinauli nang kumpleto ang laman ng pitaka.

Kung titingnan ang kumalat na larawan ng dalawang paslit sa Facebook post ni Xer Yoker, hindi mo aakalain na isasauli pa nila ang napulot na wallet dahil alam natin na kapag nawalan tayo ng gamit o pitaka sa daan, isang malaking himala na kung isasauli pa ito ng sinumang nakapulot.

Pero talagang nakakabilib ang dalawang batang ito na sa murang edad ay nakitaan ng magandang ugali at ginintuang puso.

Sabi raw ng 2 bata na “Kuya, kuya may napulot kme wallet pero d nmin binawasan yan.” Nakahilera sa larawan ang laman ng wallet na may tig-P50, P100, P500 at P20.

Isang security guard ng isang mall sa Malabon City ang nilapitan ng mga bata upang ibalik ang napulot nilang wallet na naglalaman ng pera at driver’s license.

Noong hapon ng May 6 ay naisauli ang pitaka at naibalik na rin sa may-ari.
Nakakatuwang makita ang ganitong eksena lalo na ngayon na napakahirap makatisod ng ‘ginto’ sa lansangan.

Patunay lamang ito na may natitira pa ring kabataan na tapat at mababait na hindi nasisilaw sa kinang ng pera.

Marami sa mga netizen ang natuwa sa ipinamalas ng mga bata. May ilang nagsabi na dapat bigyan ng scholarship ang mga ito o kaya’t dalhin sa Malacañang upang mabigyan ng karampatang tulong para makapag-aral.

The post Saludo sa mababait na mga batang–Malabon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *