Sako-sakong pampasabog nasabat sa Sorsogon

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng sako-sakong ammonium nitrate, isang sangkap sa paggawa ng pampasabog sa pantalan ng Matnog sa Sorsogon kahapon nang umaga.

The post Sako-sakong pampasabog nasabat sa Sorsogon appeared first on Abante News Online.

sako sakong pampasabog nasabat sa sorsogon - Sako-sakong pampasabog nasabat sa Sorsogon
ABANTE matnog sorsogon - Sako-sakong pampasabog nasabat sa Sorsogon

By Edwin Balasa

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng sako-sakong ammonium nitrate, isang sangkap sa paggawa ng pampasabog sa pantalan ng Matnog sa Sorsogon kahapon nang umaga.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Byrne De Soya Gajisan, 40, at Joemar Inting Quimno, 24. Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang 10 na sako ng ammonium nitrate gayundin ang 14 na container ng liquid ammonium nit­rate.

Sa ulat ng Bicol PNP, dakong alas-9:03 nang umaga kahapon nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Matnog Municipal Police Station (MPS), Sorsogon Police Provincial Office, PNP Mari­time Group at Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa impormasyon nakuha na mayroong iba­byaheng sangkap ng pampasabog sa Matnog Port na matatagpuan sa Barangay Caloocan ng nabatid na bayan.

Doon nila napigil ang dala­wang suspek habang nakatakdang isakay ang nasabing mga sangkap ng pampasabog sa isang RoRo vessel.

Nang hingan ng kaukulang permit ang mga suspek ng awtoridad ay wala silang naipakita kaya agad silang inaresto.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na gagamitin umano ng mga suspek ang mga ammonium nitrate sa paggawa ng dina­mita.

The post Sako-sakong pampasabog nasabat sa Sorsogon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *