Sahod ng DH sa HK tinaas

SA kabila ng mga nagaganap na kilos protesta sa Hong Kong, marami pa ring mga Filipino wor­ker ang nais na magtrabaho doon matapos itaas ng gobyerno ang suweldo ng mga fo­reign service worker.

sahod ng dh sa hk tinaas - Sahod ng DH sa HK tinaas
Abante Hong Kong - Sahod ng DH sa HK tinaas

SA kabila ng mga nagaganap na kilos protesta sa Hong Kong, marami pa ring mga Filipino wor­ker ang nais na magtrabaho doon matapos itaas ng gobyerno ang suweldo ng mga fo­reign service worker.

Nabatid na simula sa Setyembre 28 ay makakatanggap ng P700 dagdag sa suweldo at food allowance ang mga fo­reign domestic worker.

Isang OFW ang nagsabi na sa kabila na hindi siya sinuwerte sa kanyang dating emplo­yer ay gusto pa rin niyang magtrabaho sa HK dahil ang suweldo at iba pang benepisyo ay mas maganda kumpara sa ibang mga bansa.

Nabatid na para sa mga work contract na nilagdaan simula Set­yembre 28, ang minimum salary ng DH ay HK$4,630 o P30,095 at ang buwanang food allowance ay HK$1,121 o P7,300.

Gayunman ilang OFW sa HK ang hindi pa kuntento sa bagong dagdag sa sahod at gusto nilang maging HK$5,894 o P38,000 ang minimum wage. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *