Sacleo sa Makati: 248 nabingwit

arrested-arestado-timbog-kulong

MAHIGIT sa 200 indibidwal ang inaresto sa Simultaneous Anti-Criminality Enforcement Ope­ration (SACLEO) at nasa mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa magdamag na operasyon sa Makati City.

sacleo sa makati 248 nabingwit - Sacleo sa Makati: 248 nabingwit
arrested arestado timbog kulong - Sacleo sa Makati: 248 nabingwit

MAHIGIT sa 200 indibidwal ang inaresto sa Simultaneous Anti-Criminality Enforcement Ope­ration (SACLEO) at nasa mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa magdamag na operasyon sa Makati City.

Base sa isinumteng report ni Police Col Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, nasa 248 na indibidwal ang kanilang naaresto na sangkot sa iba’t ibang pag­labag sa batas sa magdamagang SACLEO operation sa Makati City.

Alas-nuwebe nang umaga nang iprisinta ang mga ito sa mga mamamahayag nina National Capital Region Police Office Director Police Major General Guillermo Eleazar at Police Col. Simon.

Ayon kay Simon, 109 sa mga nahuli nila ay nakuhanan ng hinihinalang iligal na droga na umabot sa 456 pakete at nagkakahalagang P228,000.

Habang nasa 91 ang nahuli dahil sa pag-inom sa pampublikong lugar, 34 dahil sa paglabag sa pagsusugal at 14 naman sa paghahain ng warrant of arrest. (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *