Sabwatan sa PCSO pasisingawin ni Duterte

ILALAHAD ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa susunod na mga araw kung paano nagsabwatan ang mga opisyal at online gamin­g operator ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

sabwatan sa pcso pasisingawin ni duterte - Sabwatan sa PCSO pasisingawin ni Duterte
Duterte 2 - Sabwatan sa PCSO pasisingawin ni Duterte

ILALAHAD ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa susunod na mga araw kung paano nagsabwatan ang mga opisyal at online gamin­g operator ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap na rin ng naging hakbang ni Pangulong Duterte na ipatigil ang lahat ng online gaming ng ahensiya dahil sa aniya ay pandaraya at korapsyon.

Ayon kay Panelo, ginagawa pa ang im­bestigasyon at sa sandaling matapos ito ay hindi malayong panga­lanan ng Presidente ang mga sangkot sa ano­malya.

“The President in due time will tell the Filipino people of what and how this conspiracy has been in operation for so many years since his assumption in office,” ani Panelo.

Ayon sa mga nagla­labasang ulat, “general problem” ang ugat ng pagpapasara ng gamin­g operation ng PCSO dahil sa mga nagsasabwatang retiradong he­neral.

Karamihan umano sa mga retiradong he­neral ay nakakuha ng prangkisa ng lotto outlet at nakikipagkumpetensiya sa mga jueteng lord na nakakuha rin ng prangkisa.

Ang PCSO ay dating pinamunuan ni retired general Alexander Balu­tan.
Tiniyak naman ni Panelo na walang balak ang Pangulo na buwagin ang PCSO.
“We are not talkin­g of closure of this agency. We are talking of stopping massive corruption,” ani Panelo.

Samantala, pinaplano naman ng grupong Philippine Online Agents Association na makipagpulong kay Pangulong Duterte upang hikayatin itong buksan na ang operas­yon ng mga lotto outlet.

Sinabi ni Nelson Santos, chairman ng grupo, sinusuportahan nila ang laban kontra korapsyon subalit ang pagsasara umano ng mga lotto outlet ay mag-iiwan ng collateral damage sa kanilang hanay.

“Right now, we are trying to have a dia­louge with the president… we are reques­ting a meeting with GM Garma sa PCSO, dahil alam naman natin na siya ang malakas sa presidente, at least mas masasabi namin kung ano ang concern ng a­ming mga agent,” saad ni Santos.

Aniya, higit kumulang sa 300,000 empleyado ang walang kita ngayon dahil sa mga saradong outlet.

“So mga STL outlet agent, outlet operator as well as our wor­kers, teller the colla­teral damage will late­r worse and devastating. Kaya humihingi kami ng appeal sa Presidente and even kay GM Garma, para lahat ng concern ay mabigyan ng atensyon,” pahayag pa niya.

Binabalak din ng grupo na magsampa ng petisyon sa korte suba­lit inaalala lamang nila ang magiging epekto nito kapag humaba ang usapin.

“Yes, the President’s recent order in suspension of Lotto, Keno and peryahan ng bayan and other illegal activities due to alleged corruption on PCSO, however there is a tremendous collateral on us,” paliwanag ni Santos.

Hindi naman naba­bahala si Panelo kung mawalan ng trabaho ang mga lotto at small town lottery worker dahil marami silang magagawang paraan para mabuhay.

“Do not underestimate the human spirit of Filipinos,” dagdag ni Panelo. (Aileen Tali­ping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *