Sabungan owner na anak ng ex-mayor tinumba

Patay ang isang 53-anyos na babae na anak ng dating mayor matapos pagbabarilin sa harap ng kanilang bahay sa Calamba City Linggo nang hapon.

sabungan owner na anak ng ex mayor tinumba - Sabungan owner na anak ng ex-mayor tinumba
Dead - Sabungan owner na anak ng ex-mayor tinumba

Patay ang isang 53-anyos na babae na anak ng dating mayor matapos pagbabarilin sa harap ng kanilang bahay sa Calamba City Linggo nang hapon.

Mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktimang si Maria Rosario Delmo Tan, residente ng Barangay 6.

Ang biktima na isa ring negosyante at nagmamay-ari ng sabungan sa lungsod ay anak ng dating mayor ng Calamba City na si Salvador Delmo.

Batay sa report ng Calamba City Police, pahinto na ang sinasakyang Toyota Fortu­ner ng biktima sa harap ng kanilang bahay nang lumapit ang gunman at walang habas na paputukan ang biktima na nakaupo sa passenger seat ng SUV, alas-5:30 nang hapon.

Nahagip din ng mga bala ang driver nito na si Allan Salarila Valenzuela.

Mabilis na tumakas ang hindi nakilalang salarin matapos ang insidente.

Agad isinugod ang dalawa sa Calamba Medical Center subalit nalagutan din ng hini­nga ang biktima makalipas ang isang oras habang ito ay nilalapatan ng lunas.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng pulisya at inaalam kung ano ang motibo at kung sino ang suspek at ang nasa likod ng krimen. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *