Sa wakas: UP Mindanao may summa cum laude

SA unang pagkakataon ay nagkaroon ng magtatapos na summa cum laude ang University of the Philippines Mindanao (UPMin).

The post Sa wakas: UP Mindanao may summa cum laude appeared first on Abante News Online.

sa wakas up mindanao may summa cum laude - Sa wakas: UP Mindanao may summa cum laude
UP 2 - Sa wakas: UP Mindanao may summa cum laude

SA unang pagkakataon ay nagkaroon ng magtatapos na summa cum laude ang University of the Philippines Mindanao (UPMin).

Nagtapos kahapon (Hunyo 21) bilang summa cum laude ang 22-anyos na si Pete Maverick Nicole Estudillo, Food Technology major at may cumulative weighted average grade na 1.1971, pinakamataas na grado na naitala sa Unibersidad mula ng maitatag ito noong 1995.

Sa Facebook post ng unibersidad, hindi umano inaasahan ni Estudillo na makakakuha siya ng pinakamataas na grado sa pagtatapos.

Kuntento na umano siya na maipasa ang kanyang mga subject dahil maikukunsidera na pinakamahirap ang UP College Admissions Test (UPCAT) sa bansa.

Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pag-aaral ng maisip niya na maari siyang maka-graduate bilang isang magna cum laude, o summa cum laude.
Gayunman ay sinabi ni Estudillo na kahit hindi siya magkaroon ng honor ay masaya na siya dahil marami siyang natutunan sa UP at ang kanyang natanggap ay para sa unibersidad.

Nabatid na si Estudillo ay ipinanganak at lumaki sa Davao City.
Si Estudillo ay nagtapos ng high school sa International Christian School ng Davao noong 2014, bilang valedictorian.

Ayon sa MindaNews si Estudillo ay opisyal at miyembro ng mga organisasyon tulad ng Rotaract Club of UPMin, UPMin Koro Kantahanay, PSALM Ministry of UPMin, For the Unity and Solidarity of Every Student in UP (FUSE UP), and Let’s Do It Philippines Youth – Davao.

Nanguna si Estudillo sa may 352 graduating candidate sa ginanap na UPMin’s 22nd Commencement Exercises sa University Atrium, UP Mindanao Administration Building. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Sa wakas: UP Mindanao may summa cum laude appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *