Sa loob ng 1 taon ‘Pinas 45K na ang kaso ng tigdas

PUMUSISYON sa ikatlong puwesto ang Pilipinas sa may pinakamaraming bilang ng tigdas na naitala sa buong mundo mula Hunyo 2018 hanggang nitong Hunyo 2019.

sa loob ng 1 taon pinas 45k na ang kaso ng tigdas - Sa loob ng 1 taon ‘Pinas 45K na ang kaso ng tigdas
tigdas 12 - Sa loob ng 1 taon ‘Pinas 45K na ang kaso ng tigdas

PUMUSISYON sa ikatlong puwesto ang Pilipinas sa may pinakamaraming bilang ng tigdas na naitala sa buong mundo mula Hunyo 2018 hanggang nitong Hunyo 2019.

Nalaman rin na mayroon pang nagaganap na major outbreak sa Angola, Cameroon, Chad, Kazakhstan, Nigeria, Pilipinas, South Sudan, Sudan at Thailand.

Ayon sa World Health Organization (WHO), nasa unang puwesto ang Madagascar na may 150,000 kaso, puma­ngalawa ang Ukraine na may 84,300 at Pilipinas 45,487.

Ang naturang bilang­ ang pinakamataas mula noong 2016 kung saan isinisi ito ng WHO sa mababang bilang ng mga nagpabakuna.

Sa Pilipinas nabatid na ang mga fake news sa mga vaccine at ang naganap na kontrobersiya sa Dengvaxia ang ugat kaya naging triple ang itinaas ng kaso ng tigdas.

Kabilang sa mga rehiyon na nagkaroon ng maraming kaso ng tigdas ay ang
Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon province) na may 7,213 hanggang nitong Hulyo na dating 632 kaso lamang nakalipas na taon.

Sa Metro Manila, 6,969 at 114 ang nasawi, Central Luzon, 6,350; 115 nasawi; Western Visayas, 2,379 at 8 nasawi; at Northern Mindanao, 2,118 kaso at 16 nasawi.

(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *