Rumespondeng pulis– Cavite tinaga sa noo

SUGATAN ang isang pulis-Cavite nang tagain ng isang lalaki matapos itong rumesponde sa away ng mag-asawa sa Bacoor City, Cavite.

The post Rumespondeng pulis– Cavite tinaga sa noo appeared first on Abante News Online.

rumespondeng pulis cavite tinaga sa noo - Rumespondeng pulis– Cavite tinaga sa noo
crime 3 - Rumespondeng pulis– Cavite tinaga sa noo

SUGATAN ang isang pulis-Cavite nang tagain ng isang lalaki matapos itong rumesponde sa away ng mag-asawa sa Bacoor City, Cavite.

Ginagamot ngayon sa St. Dominic Hospital ang biktimang si PSSgt Esteban De Leon, miembro ng SWAT Team at nakatalaga sa Bacoor City Police Station (CPS) habang naaresto naman ang suspek na si Ricky Silabay, 31-anyos, may live-in partner, isang construction worker ng Brgy. Ligas 3, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Francis Mark Cortez ng Bacoor CPS, dakong alas-11:15 kamakalawa nang gabi nang nakatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa umano’y la-laking inaaway ang kanyang asawa at nagwawala sa Brgy. Ligas 3, Bacoor City, Cavite.

Dahil dito, mabilis namang nagresponde ang SWAT ng Bacoor CPS sa pamumuno ni De Leon kung saan pagdating sa lugar ay naabutan ang suspek na nagwawala kaya kinausap at inawat ito ng una.

Subalit imbes na huminahon, nagpatuloy ito sa pagwawala hanggang sa walang sabi-sabing tinaga ang rumes-pondeng opisyal sa noo.

Tinangka pa ng suspek na agawin ang service firearm ni De Leon kaya nagpambuno ang dalawa na nagresulta sa pagkakabaril ng huli sa una sa balikat.

Kasong Alarm and Scandal at Frustrated Murder ang isinampang kaso laban sa suspek na kasalukuyang nakakulong sa Bacoor City Custodial Center. (Gene Adsuara)

The post Rumespondeng pulis– Cavite tinaga sa noo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *