RP-US Mutual Defense Treaty tinesting ni Duterte laban sa China

RP-US Mutual Defense Treaty tinesting ni Duterte laban sa China

DAHIL sa hindi matapos-tapos na isyu sa China, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin na ang RP-US Mutual Defense Treaty para harapin ang tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

The post RP-US Mutual Defense Treaty tinesting ni Duterte laban sa China appeared first on Abante News Online.

rp us mutual defense treaty tinesting ni duterte laban sa china - RP-US Mutual Defense Treaty tinesting ni Duterte laban sa China
duterte 98 - RP-US Mutual Defense Treaty tinesting ni Duterte laban sa China

DAHIL sa hindi matapos-tapos na isyu sa China, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin na ang RP-US Mutual Defense Treaty para harapin ang tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi ng Pangulo na hinihi­ling niya sa Amerika na gamitin na ang kanilang 7th Fleet at sasamahan niya ang mga ito patungo sa pinag-aagawang teritoryo.

Pero isasama aniya nito ang mga maingay sa isyu ng China , partikular sina dating Ombudsman Conchita Carpio Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

“I’m calling now America. I am invoking the RP-US pact, and I would like America to gather all their Seventh Fleeth infront of China. I’m asking them now and I will join them, and I will ride on the boat where the admiral of the US.

But I will drag along this Carpio and the rest of the –Albert. And…when America will say that ‘we are here now,’ and I said “ready? Can I have the honor admiral, I will press the..,” anang Pangulo.

Kapag nangyari aniya ito ay tiyak na katapusan na ng Palawan dahil mabubura ito sa mapa dahil sa malalakas na armas ng China.

Matatandaang inihayag nina Morales at del Rosario na igiit ng gobyerno ang karapatan sa West Philippine Sea at huwag hayaang masakop ng China kaya dapat umanong hingin ang tulong ng Amerika dahil mayroon namang RP-US military pact.

“They have been saying that there us a treaty between Ameri­ca and Philippines. RP-US pact, military pact. An attack of one is an attack of all against all American Forces. But there is that condition; if there is a violent attack in our country,” dagdag ng Pangulo.

Ang RP-US treaty ay pinirmahan ng Pilipinas at Amerika noong 1951 na nagsasaad na magtutulungan ang dalawang bansa sakaling mayroong magaganap na pag-atake. (Aileen Taliping)

The post RP-US Mutual Defense Treaty tinesting ni Duterte laban sa China appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *