Roque sa #NasaanAngPangulo: Nasa ASEAN Summit

Maagap na sumagot ang Malacañang sa mga nagtatanong kung nasaan si Pangulong Rodrigo Duterte habang nakakaranas ng matinding pagbaha ang ilang lugar sa Metro Manila, Rizal,Bulacan at ilan lang lalawigan dahil sa bagyong Ulysses.

The post Roque sa #NasaanAngPangulo: Nasa ASEAN Summit first appeared on Abante.

roque sa nasaanangpangulo nasa asean summit - Roque sa #NasaanAngPangulo: Nasa ASEAN Summit
duts asean - Roque sa #NasaanAngPangulo: Nasa ASEAN Summit

Maagap na sumagot ang Malacañang sa mga nagtatanong kung nasaan si Pangulong Rodrigo Duterte habang nakakaranas ng matinding pagbaha ang ilang lugar sa Metro Manila, Rizal,Bulacan at ilan lang lalawigan dahil sa bagyong Ulysses.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dumadalo ang Pangulo sa opening ceremony ng Association of South East Asian Nation (ASEAN) summit .

Nasa Malacañang aniya ang Pangulo kung saan virtual meeting ang gagawing pagdalo sa ASEAN summit.

“Nasa Malago Clubhouse po siya kasi nandoon po iyong video link ng ASEAN ngayon,” ani Roque.

Limang araw ang ASEAN summit at inaasahang isusulong ni Pangulong Duterte ang mga regional issues na dapat aksiyonan para sa kapakanan ng mga bansa sa Asia.

Isa rin sa inaasahang tatalakayin ng ASEAN leaders ay ang nagkakaisang pagtugon sa kinakaharap na COVID pandemic sa buong mundo.(Aileen Taliping)

The post Roque sa #NasaanAngPangulo: Nasa ASEAN Summit first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *