Roque 2 beses kada buwan ang swab test

Para masigurong ligtas sa COVID-19 at para hindi makompromiso ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte, regular na sumasailalim sa swab test si Presidential Spokesman Harry Roque.

roque 2 beses kada buwan ang swab test - Roque 2 beses kada buwan ang swab test
duts 2 - Roque 2 beses kada buwan ang swab test

Para masigurong ligtas sa COVID-19 at para hindi makompromiso ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte, regular na sumasailalim sa swab test si Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon sa kalihim, madalas silang magkita ni Pangulong Duterte kasama ang ilang miyembro ng gabinete kaya tinitiyak nito na walang magiging peligro .

Bukod sa swab test, regular din aniya itong sumasailalim sa rapid test sa tuwing may meeting sila sa Presidente.

“Because I regularly see the President together with 4 or 5 other members of the Cabinet, I get tested every 14 days for COVID. And I am tested via rapid test kit every time I see the President,” ani Roque.

Bahagi ng ipinapatupad na safety protocol ng Presidential Security Group (PSG) ay ang pagsailalim sa rapid test sa mga opisyal na nakikipagpulong sa Presidente.(Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *