Romualdez nangibabaw sa survey

Isang survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc) patungkol sa pagpili ng House Leader ang isinagawa kung saan ay si Leyte Congressman Martin Romualdez ang naging ‘top choice’. Nakakuha ito ng 30%, sinundan ni Taguig Congressman Alan Peter Cayetano, 23%, dating Speaker Pantaleon Alvarez, 18% at panghuli si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco, 14%.

The post Romualdez nangibabaw sa survey appeared first on Abante News Online.

romualdez nangibabaw sa survey - Romualdez nangibabaw sa survey
ABANTE martin romualdez - Romualdez nangibabaw sa survey

Isang survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc) patungkol sa pagpili ng House Leader ang isinagawa kung saan ay si Leyte Congressman Martin Romualdez ang naging ‘top choice’. Nakakuha ito ng 30%, sinundan ni Taguig Congressman Alan Peter Cayetano, 23%, dating Speaker Pantaleon Alvarez, 18% at panghuli si Marinduque Congressman Lord Allan Velasco, 14%.

Sa nationwide survey, lumitaw na si Romualdez ang no.1 choice sa Visayas (35%), Balance of Luzon (31%), at Mindanao regions (23%). Sa National Capital Region (NCR), nanguna naman si Cayetano na may thirty-three percent points (33%), puma­ngalawa si Romualdez na may twenty seven percent points (27%). Samantalang sa Balance of Luzon, pumangalawa naman si Cayetano na may twenty-five percent points (25%) kay Romualdez na may thirty one percent points (31%). Sa Visayas regions, si Velasco ay nakakuha lang ng nineteen percent points (19%) na pinangununahan pa rin ni Romualdez na may thirty five percent points at si Cayetano na nasa pangalawang puwesto na may twenty one percent points (21%). Sa Mindanao, ‘statistically tied’ naman si Romualdez na may twenty three percent points (23%) kay Alvarez na nakakuha ng twenty percent points (20%).

Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMDinc, “ang mga inco­ming member sa House of Representatives ay nasa ‘turmoil stage’ at sa tingin namin ay obligasyon naming pulsuhan ang sentimento ng kanilang constituents at umaasa na paki­kingan nila ang boses ng kanilang nasasakupan.”

The post Romualdez nangibabaw sa survey appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *