‘Rolly,’ ‘Siony’ sabay pagbayo

Hindi pa man nagla-landfall sa bansa ang Typhoon Rolly, isa pang tropical storm ang mino-monitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa)

The post ‘Rolly,’ ‘Siony’ sabay pagbayo first appeared on Abante.

rolly siony sabay pagbayo - ‘Rolly,’ ‘Siony’ sabay pagbayo
rolly - ‘Rolly,’ ‘Siony’ sabay pagbayo

Hindi pa man nagla-landfall sa bansa ang Typhoon Rolly, isa pang tropical storm ang mino-monitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa)

Kahapon ay kinumpirma ni Raymond Ordinario, Pagasa weather forecaster ang posibleng pagsabay ng Typhoon Rolly at Tropical Storm ‘Atsani’ o Siony sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa weather forecaster sa pag-landfall ni Rolly sa Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw ay siya namang inaasahan papasok sa PAR ng bagyong si Siony.

Samantala, mabilis ang paglakas ng bagyong Rolly na inaasahang tatama sa Central Luzon at Quezon, babala ng Pagasa at maaaring itaas ang Signal No 3 at 4 sa mga lugar na daraanan nito ngayong weekend.

Base sa 5:00 typhoon update kahapon ang bagyong Rolly ay patungo na sa direksyon ng Philippine Sea at patungo sa west-southwestward hanggang bukas ng gabi.

Kasunod ay kikilos ito sa west-northwestward habang papalapit sa Bicol Region mula sa eastern coast ng Aurora-Quezon area.

Isa sa forecast track, ang sentro ng mata ng bagyong ‘Rolly’ ay inaasahang magla-landfall sa Aurora-Quezon area sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.

Ang forecast ng bagyo ay magpapatuloy sa paglakas sa Philippine Sea at magla-landfall sa taglay nitong lakas na hangin na aabot sa 175-195 kilometer per hour.

Ang bagyong Rolly ang ikalimang bagyo sa buwan ng Okrubre at 18 bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon.

Kasabay nito ay kinalampag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit para paigtigin ang paghahanda kasabay ng bantang pananalasa ng bagyong Rolly at Siony na inaaasahang magsasabay sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong weekend.

“Hindi na kailangan aantayin mo yung bagyo bago mag-evacuate lalo na sa mga low-lying areas sa eastern seaboards natin,’’ pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año sa isang radio interview.

Naka-preposition na rin ani Ano ang mga relief good sa tanggapan ng mga mayor at gobernador.

Kaugay nito ay pinag-iingat ni National Disaster Risk Reduction and Management Counc (NDRRMC) Spokesman Mark Timbal ang mga residente sa dadaanang ng bagyong Rolly.(Mia Billones/Tina Mendoza)

The post ‘Rolly,’ ‘Siony’ sabay pagbayo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *