Rollerblade, skateboard bawal na sa public monument — Isko

Rollerblade, skateboard bawal na sa public monument — Isko

IPINAGBAWAL na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang paglalaro ng mga rollerblade at skateboard sa mga lugar na nakalagay ang mga ‘public monument’.

The post Rollerblade, skateboard bawal na sa public monument — Isko appeared first on Abante News Online.

rollerblade skateboard bawal na sa public monument isko - Rollerblade, skateboard bawal na sa public monument — Isko
isko 19 - Rollerblade, skateboard bawal na sa public monument — Isko

IPINAGBAWAL na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang paglalaro ng mga rollerblade at skateboard sa mga lugar na nakalagay ang mga ‘public monument’.

Ang pagbabawal ay ginawa ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso para maiwasan ang anumang aksidente sa lugar.

Nabatid na nilagyan ng babala ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang likuran ng Bonifacio Shrine na nagbabawal ang paglalaro ng mga rollerblade at skateboard sa lugar.

“Hindi naman po talaga pwede dyan sa Kartilya, for public safety and welfare din. Nakaka-damage po kasi sa granite ang pagbagsak ng mga skateboards and rollerblades. Kapag nasira po, may possibility na yung mga next na mag-iiskateboard, o kaya naman yung mga maglalakad, at risk sila sa mga accidents,” ayon kay Moreno.

Hinimok ng alkalde na magpunta na lamang ang mga kabataan sa mga skate area tulad ng Skate Park sa may Paco sa Maynila.

Habang ‘yung mga taga-Makati ay puwede naman tumungo sa skate park sa loob ng circuit, libre umano ito at walang bayad.

May posibilidad na maging strikto ang lokal na pamahalaan sa iba pang mga monumento sa buong Maynila. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Rollerblade, skateboard bawal na sa public monument — Isko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *