Robredo, 35 pa sinampahan ng sedisyon sa ‘Ang Totoong Narcolist’ video

Robredo, 35 pa sinampahan ng sedisyon sa ‘Ang Totoong Narcolist’ video

ISINAMPA nitong Huwebes ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kasong inciting to sedition laban kay Vice President Leni Robredo, at 35 pang indibiduwal matapos silang ituro bilang nasa likod ng ‘Ang Totoong Narcolist’ video.

The post Robredo, 35 pa sinampahan ng sedisyon sa ‘Ang Totoong Narcolist’ video appeared first on Abante News Online.

robredo 35 pa sinampahan ng sedisyon sa ang totoong narcolist video - Robredo, 35 pa sinampahan ng sedisyon sa ‘Ang Totoong Narcolist’ video
vp - Robredo, 35 pa sinampahan ng sedisyon sa ‘Ang Totoong Narcolist’ video

ISINAMPA nitong Huwebes ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kasong inciting to sedition laban kay Vice President Leni Robredo, at 35 pang indibiduwal matapos silang ituro bilang nasa likod ng ‘Ang Totoong Narcolist’ video.

Ang kasong isinampa sa Department of Justice (DOJ) ay hango sa rebelasyon ng nagpakilalang ‘Bikoy’ sa video na si Peter Joemel Advincula.

Bukod sa sedition, kasong cyberlibel, libel, estafa, harboring a criminal and obstruction of justice ang sinampa laban sa Vice President, Senador Leila de Lima, Risa Hontiveros at dating Senador Antonio Trillanes IV.

Damay din ang mga natalong kandidato ng Otso Diretso na sina dating Magdalo Rep. Gary Alejano, dating Sen. Bam Aquino, human rights lawyer Chel Diokno, Moro civic leader Samira Gutoc, ex-Solicitor General Florin Hilbay, election lawyer Romulo Macalintal at Erin Tañada.

Isinahog din sa kaso ang mga kritiko ng admi­nistrasyon na sina Archbishop Socrates Villegas at Pablo Virgilio David, Bishop Honesto Ongtioco at Teodoro Bacani Jr., at mga pari na sina Albert Alejo at Robert Reyes, dating Education Secretary Bro. Armin Luistro, dating SC spokesperson Theodore Te at iba pang mga opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

The post Robredo, 35 pa sinampahan ng sedisyon sa ‘Ang Totoong Narcolist’ video appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *