Robina farms asal baboy sa staff

Binatikos ng mga manggagawa ang Robina Farms ng mga Gokongwei dahil sa pagtanggal sa mahigit 200 manggagawa sa gitna ng COVID19 pandemic.

The post Robina farms asal baboy sa staff first appeared on Abante.

robina farms asal baboy sa staff - Robina farms asal baboy sa staff
robina - Robina farms asal baboy sa staff

Binatikos ng mga manggagawa ang Robina Farms ng mga Gokongwei dahil sa pagtanggal sa mahigit 200 manggagawa sa gitna ng COVID19 pandemic.

Ayon kay Leolito Teves, presidente ng Universal Robina Corporation Employees Union (URCEU) kailangan nila ng trabaho lalo na ngayong pandemya pero nagpatupad ng sibakan ang kompanya.

“Kami sa Robina Farms, dalawang pandemya ang kinakaharap namin pero nananatili kaming loyal sa kompanya. Ito po ngayon ang isusukli sa amin? Mas masahol pa ba sa baboy ang trato sa mga manggagawa,” himutok ni Leolito Teves, presidente ng Universal Robina Corporation Employees Union (URCEU) sa press statement ng Kilusang Mayo Uno na inilabas sa Facebook nitong Oktubre 12.

“Sa totoo, kayang-kaya nila kaming ilipat sa ibang site imbes na tanggalin, “ dagdag nito.

Ayon pa sa grupo magdaraos sila ng online protest na may temang #RobinaHarms, bilang pagkondena sa Robina Farms sa pagtanggal sa mahigit 200 manggagawa nitong Oktubre 15.

Nalaman na ibinigay sa mga workers ang notices of termination epektibo ngayon buwan.

Ayon naman kay Gaudencio Garcia ng ANGLO KMU, binabayaran ng Robina Farms ang mga kusang magpapatanggal at muli silang pinapipirma sa isa pang kasunduan kung gusto nilang magtrabaho muli doon pa pero sa ahensiya na.

“May problema ang farm, babayaran na ang regular at opisyales ng unyon. Yun ang paraan para ipasara ang farm,” sabi ni Garcia.

Ang Robina Farms ay bahagi ng Universal Robina Corporation. Napapailalim ang Robina Farms sa agro-indusrial division ng kompanya. Sa ulat ng URC nung first half ng taon, bahagya lamang ang binagsak sa benta ng agro-industrial group nito kung saan napapaloob ang Robina Farms.

Umabot sa P6.3 bilyon ang kita ng agro-industrial group nung first half ng taong ito, mas maliit ng kaunti kaysa sa P6.6 bilyong benta nito nung first half ng 2019.

Inakusahan din ng mga manggagawa ng pangha-harass ang mga pulis nang i-protesta ang ginawa ng kompanya sa Department of Labor and Employment (DOLE).(Juliet de Loza-Cudia/Eileen Mencias)

The post Robina farms asal baboy sa staff first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *