Road closure, traffic rerouting sa 9th Manila Bay Clean-up Run

ISASARA mula alas-tres nang madaling-araw hanggang alas-siyete nang umaga ngayon ang Southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P.Ocampo para bigyan-daan ang ika-9th Manila Bay Clean-Up Run sa Maynila.

The post Road closure, traffic rerouting sa 9th Manila Bay Clean-up Run appeared first on Abante News Online.

road closure traffic rerouting sa 9th manila bay clean up run - Road closure, traffic rerouting sa 9th Manila Bay Clean-up Run
abante Road closure - Road closure, traffic rerouting sa 9th Manila Bay Clean-up Run

ISASARA mula alas-tres nang madaling-araw hanggang alas-siyete nang umaga ngayon ang Southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P.Ocampo para bigyan-daan ang ika-9th Manila Bay Clean-Up Run sa Maynila.

Kasabay nito, magpapatupad rin ng traffic rerouting ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU).

Lahat ng sasakyan manggagaling sa Bonifacio Drive na dadaan sa southbound lane ng Roxas Blvd. ay dapat kumaliwa sa P. Burgos Ave. papunta sa destinasyon.

Ang mga sasakyan na manggagaling sa tatlong tulay (Jones, McArthur, Quezon) na dadaan sa southbound lane ng Roxas Blvd., ay dapat na dumiretso sa Taft Ave., papunta sa destinasyon.

Habang ang mga sasakyan na dadaan sa west bound lane ng P. Burgos Ave., ay dapat kumanan sa eastbound lane ng P. Burgos Ave. papunta sa destinasyon.
Ang mga sasakyan naman na dadaan sa westbound lane ng TM Kalaw St., papuntang Roxas Blvd., ay dapat na kumaliwa sa MH del Pilar St., papunta sa destinasyon, pinakakaliwa naman sa MH Del Pilar St., o dumaan sa service road ng Roxas Blvd. papunta sa destinasyon iyong mga sasakyan na dadaan sa west boundlane ng UN Avenue.

Samantalang ang mga sasakyan dadaan sa westbound lane ng Pres. Quirino Ave., na papasok sa southbound lane ng Roxas Blvd., ay dapat kumaliwa sa Adriatico St., papunta sa destinasyon.

Habang iyong mga sasakyan na dadaan sa westbound lane ng P. Ocampo St., at dadaan sa southbound lane ng Roxas Blvd., ay dapat kumaliwa sa FB Harrison papunta sa destinasyon.

Ang lahat ng sasakyan na pupunta at lalabas sa Manila Ocean Park/H20 Hotel at Manila Hotel ay dapat na dumaan sa Katigbak Drive bilang access road. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Road closure, traffic rerouting sa 9th Manila Bay Clean-up Run appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *