Rider tumilapon kay kamatayan, 2 angkas nabuhay

NASAWI ang isang 25-anyos na lalaki habang sugatan ang dalawang angkas nito nang ­tumama sa isang bakal na halang sa Imus City, Cavite.

rider tumilapon kay kamatayan 2 angkas nabuhay - Rider tumilapon kay kamatayan, 2 angkas nabuhay
rider 2 - Rider tumilapon kay kamatayan, 2 angkas nabuhay

NASAWI ang isang 25-anyos na lalaki habang sugatan ang dalawang angkas nito nang ­tumama sa isang bakal na halang sa Imus City, Cavite.

Dead on the spot ang driver ng isang ­Yamaha Mio Soul na si Rholen Brett Ting ng ACM Homes Anabu 2 Imus City, Cavite habang ginagamot sa isang ospital ang ­angkas nitong si Carlo Alcantara, 24 nang nasabi ring lugar at Mary Elaine Nato, 23 ng Anabu 1-A Imus City Cavite.

Sa ulat ng Imus City Police, alas-4:30 ­kahapon ng madaling araw ng naganap ang insidente kung saan nagmamaneho ang ­biktima angkas ang dalawa pa sa Aguinaldo Highway Anabu 2, Imus City Cavite.

Pagsapit sa tapat ng Furniture Republic sa nabanggit na lugar ay tumama ang ­gulong ng motorsiklo sa isang bakal na halang sa kalsada dahilan upang tumilapon ang tatlo na ­nagresulta sa agarang kamatayan ni Ting habang ang mga angkas nito ay isinugod sa ospital.

(Gene Adsuara)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *