Rider nahulog sa ilog, tigok

NASAWI ang isang 28-anyos na lalaki nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa kantong bahagi ng tulay at tumilapon diretso sa ilog sa Dasmariñas City, Cavite.

The post Rider nahulog sa ilog, tigok appeared first on Abante News Online.

rider nahulog sa ilog tigok - Rider nahulog sa ilog, tigok
abante crime1 - Rider nahulog sa ilog, tigok

NASAWI ang isang 28-anyos na lalaki nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa kantong bahagi ng tulay at tumilapon diretso sa ilog sa Dasmariñas City, Cavite.

Namatay noon din ang biktimang si Ricky Leme-ra ng Biclatan, General Trias, Cavite.

Sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police Station, dakong ala-1:30, Martes nang madaling-araw nang naganap ang insidente kung saan binabagtas habang minamaneho ng biktima ang kanyang Honda motorcycle ang kahabaan ng Governor’s Drive patungo sa direksiyon ng Gen. Trias City, Cavite

Gayunman, bago sumapit sa Bucal bridge nang dumiretso at bumangga ang motorsiklo nito sa kanto ng tulay dahilan upang tumilapon ito at dumiretso sa ilog na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Ayon kay Bae, hindi matiyak kung nakainom ng alak ang biktima habang nagmamaneho dahil nag-amoy burak na ang katawan nito nang iahon sa ilog. (Gene Adsuara)

The post Rider nahulog sa ilog, tigok appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *