Rider na walang helmet buking na vote buyer

NASAKOTE ng pulisya ang isang hinihinalang campaign operator at bumibili diumano ng boto makaraang hara-ngin ng mga awtoridad dahil wala itong suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Tagkawayan, Quezon.

The post Rider na walang helmet buking na vote buyer appeared first on Abante News Online.

rider na walang helmet buking na vote buyer - Rider na walang helmet buking na vote buyer
Abante rider - Rider na walang helmet buking na vote buyer

By Ronilo Dagos

NASAKOTE ng pulisya ang isang hinihinalang campaign operator at bumibili diumano ng boto makaraang hara-ngin ng mga awtoridad dahil wala itong suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Tagkawayan, Quezon.

Kinilala ng Tagka- wayan Police, ang suspek na si Fredilino Cunanan, 45-anyos, nakuha sa kanya ang 13 piraso ng sample ballot na may naka-staple na P500 sa bawat isa.

Ang mga nakumpiskang sample ballot ay may nakaimprentang pangalan ni Roberto ‘Bommel’ de Vero, kandidato sa pagka-mayor at mga kasamahan niya sa kanyang tiket.

Aksidente umanong nakuha sa suspek ang mga sample ballot na may pera nang ito ay masabat sa checkpoint habang sakay ng isang motorsiklo sa isang Quirino Highway sa Brgy. Tabason, alas-singko Martes nang hapon dahil wala siyang suot na helmet.

Nang kinukuha ni Cunanan ang kanyang driver’s license at kaukulang dokumento ng motorsiklo mula sa kanyang bag ay nahulog ang mga sample ballots na may kalakip na pera.

Nang sitahin ng mga awtoridad ang suspek, umamin umano ito na ang pera at mga sample na balota ay ibinigay umano ni De Vero.

Habang isinusulat ito ay wala pang reaksyon mula kay De Vero.

Ang suspek ay nakapiit sa Tagkawayan police jail at sasampahan ng kasong paglabag sa Omnibus election code.

The post Rider na walang helmet buking na vote buyer appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *