Richard Yap tatakbo ulit sa 2022

Nakatsikahan ko si Cebu City Vice Mayor Mike Rama noong isang araw. Kapartido niya ang aktor na si Richard Yap na hindi pinalad na ma­ging congressman noong midterm elections.

The post Richard Yap tatakbo ulit sa 2022 appeared first on Abante News Online.

richard yap tatakbo ulit sa 2022 - Richard Yap tatakbo ulit sa 2022
ABANTE yap - Richard Yap tatakbo ulit sa 2022

abante anything goes jun lalin 336x224 - Richard Yap tatakbo ulit sa 2022Walang kadala-dala sa politika:

Nakatsikahan ko si Cebu City Vice Mayor Mike Rama noong isang araw. Kapartido niya ang aktor na si Richard Yap na hindi pinalad na ma­ging congressman noong midterm elections.

So, goodbye politics na ba ang tsinitong aktor?

“Ang alam ko, hindi, magbabalik pa siya,” sey ni VM Mike.

Wow, hindi pa nga raw nawawala ang connection nila kay Richard at naniniwala si VM Mike na makakalusot naman ito sa 2022 elections.

Yaman ni aktor pinag-uusapan ng mga donya

Ang bongga naman ng aktor na ito. Habang sikat at kumikita, panay ang bili niya ng properties as investments.

 

Ilan na pala ang bahay niya, marami rin siyang mga lupang nabili. Ang la­test tsika, nakabili siya ng eight villas sa isang private island.

Pinag-uusapan nga ng ilang mga donya ang tungkol sa tsikang ‘yon.

 

Actually, bilib sila kay aktor at hindi raw ito waldas sa pera.

 

Alam rin daw ng aktor na hindi forever ang kasikatan niya at kung ngayon ay “agos” ang dating ng pera sa kanya dahil sa napakarami niyang projects, darating din naman ang panahon na hihina siya, sa ayaw o gusto niya, kaya naman ngayon pa lang ay panay na ang ipon niya.

 

Pero ang maganda rin kay aktor, marami rin siyang mga tinutulungan at hindi siya katulad ng ibang mga madadatung na grabe sa kakuriputan, huh!
Ang magandang ugali at pagiging magaling sa pera ang kinahahangaan ng mga tao kay aktor!

 

Ian ayaw agawan ng eksena ni Ogie

 

Ngayon ang pa-presscon ni Ogie Alcasid para sa “Ian: In Color” concert ni Ian Veneracion, pero nagpasabi na ang si­nger/­songwriter na hindi siya makakapunta.

 

Nakabakasyon kasi ngayon si Ogie sa Boracay kasama ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid. Sabi sa akin ni Ogie kahapon, hanggang sa Thursday sila sa Boracay.

 

Enjoy nga raw sila ni Regine at noong nagpunta sila ng Boracay ay medyo nabitin sila.

 

Sabi pa ni Ogie, okey lang daw na wala siya sa presscon ni Ian para ma-focus sa actor/singer ang event na ‘yon at ma-promote ang “Ian: In Color” concert nito on July 11 and 12 sa Music Museum.

 

Barbie, Jak planado na ang bakasyon

On-going na ang second to the last week finale ng “Kara Mia” nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa GMA-7. Kahit matindi ang katapat nila sa ABS-CBN, ang “Kara Mia” pala ang top-rating primetime series ng Kapuso network.

Samantala, sabi ni Barbie, kahit nagte-taping pa sila, ngayon pa lang daw ay naiisip na niya na sobra niyang mami-miss ang mga kasamahan sa “Kara Mia.”

 

Pero siyempre, si Jak Roberto na boyfriend at partner niya sa “Kara Mia” ay palagi pa rin niyang makakasama at nag-iisip na nga raw ang mag-sweethearts kung saan magbabakasyon kapag maluwag na ang schedule nila.

The post Richard Yap tatakbo ulit sa 2022 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *