Rex siniraan sa bilyong lugi ng NLEX-MVP

Pinalagan kahapon ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang kumakalat na tsismis kaugnay sa pambabraso umano ng kanilang pamilya sa isang lupain sa siyudad para pagtakpan ang tunay na isyu sa kapalpakan ng North Luzon Expressway (NLEX).

The post Rex siniraan sa bilyong lugi ng NLEX-MVP first appeared on Abante.

rex siniraan sa bilyong lugi ng nlex mvp - Rex siniraan sa bilyong lugi ng NLEX-MVP
rex 1 - Rex siniraan sa bilyong lugi ng NLEX-MVP

Pinalagan kahapon ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang kumakalat na tsismis kaugnay sa pambabraso umano ng kanilang pamilya sa isang lupain sa siyudad para pagtakpan ang tunay na isyu sa kapalpakan ng North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon kay Gatchalian, malaking kasinungalingan ang kumakalat na mensahe sa isang viber group na binarat ng kanilang pamilya sa presyong P500,000 ang lupang ibinibenta ng P100 milyon.

Sinabi ng alkalde na matagal nang nabili ng pamahalaang-lungsod ang nasabing lupa mula sa Maynilad para gawing eskuwelahan.

“Alam naman ninyo na may kapangyarihan ang city government na i-expropriate ang mga idle land para pakinabangan ng mamamayan. Wala pong kinalaman diyan ang pamilya namin. On going na ang konstruksyon diyan, hindi yan pag-aari ng pamilya namin kundi ng city government,” paliwanag pa ng alkalde.

Aniya, nalaman lang nila na pag-aari ng Maynilad ang nasabing lupa nang lumutang sa korte ang abogado nito.

“Basta may writ of possession po na inisyu ang korte dito kaya legal itong napunta sa city government.

Malinaw naman aniya na may motibo ang utak ng nagpakalat ng nasabing mensahe para ilihis ang tunay na isyu sa NLEX.

“Tingnan ninyo ang timing, itinaon pa talaga sa isyu ng NLEX. Ang tunay na isyu ay ang traffic na idinudulot ng palpak na tollway system ng NLEX sa anim nilang gate sa Valenzuela City. Hindi ito dapat malihis, at hinding-hindi rin ako hihinto sa paghanap ng solusyon dito,” giit ni Gatchalian.

Hindi direktang inakusahan ni Gatchalian ang kampo ng bilyonaryong si Manny V. Pangilinan na operator ng NLEX at Maynilad pero madali naman aniyang matukoy kung saan at sino ang may kapasidad para magpaikot ng mapanirang mensahe.

Gayunman, pinahagingan ni Gatchalian na bilyon-bilyon ang nawala sa kaban ng grupong nasa likod ng pag-atake sa kanilang pamilya dahil sa suspensyon ng business permit ng NLEX.

“We will not allow any multi-billion corporate entity to trample on our rights as motorists,” ani Gatchalian.

Pinabulaanan na rin ni Pangilinan sa kanyang post sa Twitter na sila ang may pakana sa mapanirang mensahe sa pamilya Gatchalian.

Sa isang video sa YouTube, sinabi ni Gatchalian na pinuputakti rin ng fake news ang social media laban sa kanya matapos niyang suspindihin ang permit ng NLEX pero hindi naman niya ito tinukoy.

“Malamang nabawasan ang bilyon bilyon nilang kita kasi nilabanan ng lungsod ng Valenzuela ang mga pagkukulang nila sa mga motorista,” giit pa ni Gatchalan.

Samantala, idiniin ni Gatchalian na hindi siya kayang patahimikin ng inilunsad na demolition job laban sa kanilang pamilya.

“Kapakanan lamang ng mga motorista at ng taong bayan ang tanging hangad ng pamahalaang-lungsod ng Valenzuela. Huwag na kayong mag-aksaya ng panahon at huwag ninyo nang ilihis ang atensyon ng taong bayan. Humanap na kayo ng totoong solusyon!” ani Gatchalian.

Matatandaang sinuspindi ni Gatchalian ang business permit ng Metro Pacific Tollways Corporation dahil sa kabiguan nitong maresolba ang problema sa trapiko sa NLEX sanhi ng sablay na radio frequency identifiation (RFID).(Mia Billones)

The post Rex siniraan sa bilyong lugi ng NLEX-MVP first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *