Retoke sa Public Service Act hinirit sa Senado

MAY solusyon para mawala na ang mga hadlang sa pamumuhunan at kumpetisyon sa ilang sektor ng ekonomiya at masustinehan ang paglago ng bansa.

The post Retoke sa Public Service Act hinirit sa Senado appeared first on Abante News Online.

retoke sa public service act hinirit sa senado - Retoke sa Public Service Act hinirit sa Senado
salceda 2 1 - Retoke sa Public Service Act hinirit sa Senado

MAY solusyon para mawala na ang mga hadlang sa pamumuhunan at kumpetisyon sa ilang sektor ng ekonomiya at masustinehan ang paglago ng bansa.

Ito ay ang pag-amiyenda sa 80-an­yos na Public Service Act (PSA).

Si Albay Rep. Joey Salceda ang pangunahing may-akda ng House Bill 5828 na ipinasa ng Kamara noong 2017 at nakabinbin ngayon sa Senado.
Nabatid pa na ang panukalang bersyon ng Senado ay aprubado na rin nito sa ikalawang pagbasa.

Giit ng kongresista na ang pag-apruba nito ay kapaki-pakinabang na paggamit ng natitirang dalawang linggong sesyon ng Kongreso sa Mayo, ayon sa mambabatas.

Layunin ng HB 5828 na linawin ang legal na kahulugan ng ‘Public Service’ at ‘Public Utilities’ sa lumang PSA na malimit ay pinagpapalit-palit upang paburan ang interest ng mga “monopolies, duopolies and oligopolies” sa ilang sektor ng industriya na dahilan para iwasan ito ng bagong mga mamumuhunan.

Sinisiguro umano ng HB 5828 “ang wastong implementasyon ng Section 11, Art. XII ng Saligang Batas ng Pilipinas na nagtatalaga ng tanging mga kumpanyang 60% pag-aari ng Pilipino ang maaaring mangasiwa sa ‘public utilities’ para masiguro ang mataas na antas ng serbisyo publiko sa mababang halaga,” giit ni Salceda.

The post Retoke sa Public Service Act hinirit sa Senado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *