Retired police iniligpit sa negosyong punerarya

Dead on-the-spot ang isang retiradong pulis matapos na ito ay ratratin ng mga hindi nakilalang salarin na sakay ng motorsiklo sa harap ng kanyang pag-aaring punerarya sa Mabitac, Laguna Huwebes nang umaga.

retired police iniligpit sa negosyong punerarya - Retired police iniligpit sa negosyong punerarya
gun 4 - Retired police iniligpit sa negosyong punerarya

Dead on-the-spot ang isang retiradong pulis matapos na ito ay ratratin ng mga hindi nakilalang salarin na sakay ng motorsiklo sa harap ng kanyang pag-aaring punerarya sa Mabitac, Laguna Huwebes nang umaga.

Kinilala ng Mabitac police ang biktima na si Victor Riego, 57-anyos, residente ng Brgy. Sinagtala.

Ayon sa report ng pulisya, nagwawalis ang biktima sa labas ng kanyang funeral homes na nasa gilid lamang ng highway nang dumating ang mga suspek na parehong naka-bonnet alas-sais nang umaga.

Bigla na lamang nagbunot ng maiksing baril ang back rider at sunod-sunod na pinaputukan ang hindi na nakatakbong biktima.

Mabilis ding humarurot papalayo ang motorsiklo ng mga salarin matapos ang pamamaril.

Kinakalap na ngayon ng mga awtoridad ang mga kuha ng CCTV sa lugar upang makilala ang mga suspek na parehong nakaitim na jacket. Inaalam pa rin ang motibo sa krimen.

Ang biktima ay nagretiro bilang pulis sa Majayjay noong 2011 at nag-asikaso na lamang ng kanilang negosyo.

Ayon sa pamilya ng nasaawi, wala naman umanong pagbabanta sa kanyang buhay na nabanggit sa kanila ang biktima bago ang pamamaril. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *