Retiradong heneral bagong PhilHealth president

ISANG retiradong heneral ang hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Presidente ng Philippine Health Insurance Corporation(Philhealth).

The post Retiradong heneral bagong PhilHealth president appeared first on Abante News Online.

retiradong heneral bagong philhealth president - Retiradong heneral bagong PhilHealth president
ABANTE Duterte 9 - Retiradong heneral bagong PhilHealth president

Ni Aileen Taliping

ISANG retiradong heneral ang hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Presidente ng Philippine Health Insurance Corporation(Philhealth).

Kinumpirma ni Senator-elect Bong Go na itinalaga ng Pangulo si retired Army General Ricardo ‘Dick’ Morales bilang bagong pinuno ng Philhealth kapalit ni Dr. Roy Ferrer.

Si Morales ang dating adminis­trator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ilang buwan pa lamang nakakaupo.

Itinalaga namang member of the board ng Philhealth si Dr. Jaime Cruz na naunang napipisil ni Pangulong Duterte na ipalit kay Dr. Ferrer matapos mabunyag ang anomalya sa claim ng ilang hospital at clinic na accredited ng Philhealth.

Matatandaang pinagsumite ng courtesy resignation ng Pangulo si Dr. Ferrer, kasama ang lahat ng miyembro ng board matapos mabunyag ang anomalya sa pondo ng ahensiya.

Nais ni Pangulong Duterte na maayos na mapangasiwaan ang ahensiya lalo na sa paggamit ng pondo dahil maraming mahihirap na Pilipino ang nakikinabang lalo na sa mga programang nakapaloob sa Universal Health Care Program ng gobyerno.

The post Retiradong heneral bagong PhilHealth president appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *