Resto, contractor kinasuhan ng tax evasion

Apat na establisimyento sa Makati City ang sinampahan ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) dahil sa kabiguang bayaran ang kanilang buwis na umaabot sa P122.71 milyon ang kabuuang halaga.

resto contractor kinasuhan ng tax evasion - Resto, contractor kinasuhan ng tax evasion
tax evasion 1 - Resto, contractor kinasuhan ng tax evasion

Apat na establisimyento sa Makati City ang sinampahan ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) dahil sa kabiguang bayaran ang kanilang buwis na umaabot sa P122.71 milyon ang kabuuang halaga.

Sa pahayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kabilang sa mga kinasuhan ng tax evasion ay ang Chittick Fire and Security Corporation, Times Asia Publications Inc., Diamond Primefoods Inc., at ang 98 Luke Construction and Trading Company dahil sa paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code of 1997.

“The respondents’ failure and continued refusal to file or pay their long overdue deficiency taxes, despite repeated demands, constitute willful failure to file or pay the taxes due to the government,” ayon sa BIR.

Ang Times Asia Publications na nagmamay-ari diumano ng pub and restaurant ay kinasuhan dahil sa pagkakautang sa buwis na nagkakahalaga ng P74.51 mil­yon noong 2007.

Umabot naman sa P44.21 milyon ang utang sa buwis ng Chittick Fire and Security Corporation habang ang 98 Luke Construction and Trading Company ay nasa P1.25 mil­yon ang utang at P2.75 milyon naman sa Diamond Primefoods.

Pinadalhan umano ng BIR Revenue Region No. 8A-Makati City ng demand letter ang mga nabanggit na establisimyento pero bigo pa rin tumugon ang mga ito. (Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *