Ressa nagkabuhol-buhol sa perang tinanggap ng Rappler sa Omidyar

NAGKABUHOL-BUHOL si Rappler CEO Marisa Ressa sa pagpapaliwanag sa isang forum sa United Kingdom kamakailan kung magkano ang perang ibinigay ng bilyonaryong si Pierre Omidyar sa website.

The post Ressa nagkabuhol-buhol sa perang tinanggap ng Rappler sa Omidyar appeared first on Abante News Online.

ressa nagkabuhol buhol sa perang tinanggap ng rappler sa omidyar - Ressa nagkabuhol-buhol sa perang tinanggap ng Rappler sa Omidyar
Maria Ressa - Ressa nagkabuhol-buhol sa perang tinanggap ng Rappler sa Omidyar

NAGKABUHOL-BUHOL si Rappler CEO Marisa Ressa sa pagpapaliwanag sa isang forum sa United Kingdom kamakailan kung magkano ang perang ibinigay ng bilyonaryong si Pierre Omidyar sa website.

Sa isinagawang ‘Defend Media Freedom Conference’ sa London, nakipagdebate si Ressa sa Canadian journalist Ezra Levant upang panindigan na ang Rappler ay hindi foreign owned kahit tumanggap sila ng milyong investment mula kay Omidyar.

“Let’s take a look at the full range of investments. There’s a (inaudible) of about four and a half million dollars that went into Rappler. Only four and a half million dollars. Only. And we’ve been able, that seven years of doing hard hitting investigative reporting…Of that, probably less than five percent came from Omidyar,” depensa ni Ressa.

Matatandaan na inimbestigahan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang $1.5 milyong donasyon ng Omidyar sa mga manager ng Rappler Inc.
Malinaw dito na ang $1.5 milyon ay hindi 5 percent kundi 33 percent ng $4.5 milyong investment ng Rappler.

Sa naturang forum ay kinastigo din ni Levant ang forum moderator na si Nishant Lalwani dahil binabatikos nito ang ‘octupus-like influence’ ni American billionaire Rupert Murdoch sa mga higanteng media sa buong mundo gayung wala namang pinagkaiba dito si Omidyar.

Nilinaw naman ni Lalwani na siya at si Ressa ay hindi kasama sa payroll ni Omidyar. Si Lalwani ay director of investment ng Luminate group ng Omidyar.

The post Ressa nagkabuhol-buhol sa perang tinanggap ng Rappler sa Omidyar appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *