Rep. Madrona sinuspinde ng Sandiganbayan

PINATAWAN ng 90 araw preventive suspension ng Sandiganbayan si Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona sa kinahaharap nitong graft case kaugnay ng maanomalyang pagbili ng P4.8M fertilizer noong 2004 kung saan sya pa ang gobernador ng lalawigan.

rep madrona sinuspinde ng sandiganbayan - Rep. Madrona sinuspinde ng Sandiganbayan
ABANTE sandiganbayan - Rep. Madrona sinuspinde ng Sandiganbayan

PINATAWAN ng 90 araw preventive suspension ng Sandiganbayan si Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona sa kinahaharap nitong graft case kaugnay ng maanomalyang pagbili ng P4.8M fertilizer noong 2004 kung saan sya pa ang gobernador ng lalawigan.

Si Madrona ay nahaharap sa kasong graft nang aprubahan nito ang pagbili ng 3,333 bote ng organic fertlizer sa Feshan Philippines Inc. nang hindi dumadaan sa mandatory public bidding na paglabag sa Government Procurement Reform Act.

Tanging si Madrona ang pinasususpinde ng Sandiganbayan 6th Division dahil ang kapwa akusado nito na sina provincial agriculturist Geishler Fiedcan Fadri at senior agriculturist Oscar Placito Galos ay hindi na nagtatrabaho sa gobyerno habang ang isa pang akusado na si provincial admi­nistrator Joel Angcaco Sy ay pumanaw na noong Enero 8,2019.

“All the requisites for suspension under Section 13 of R.A. 3019 being present, this court is mandated to order the preventive suspension of accused Madrona,”nakasaad sa resolusyon ng Sandiganbayan.

Hindi naman kinuwestiyon ni Madrona ang desisyon ng graft court at handa umano itong tumalima sa itinakda ng korte.

Binigyan na ng graft court ng kopya ng desisyon si House Speaker Alan Peter Cayetano. (Tina Mendoza/Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *