Reorganisasyon sa mga opisyal inilutang ni Duterte

PINAG-AARALAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na ireorganisa ang mga puwesto sa gobyerno bilang bahagi ng kanyang pag­lilinis sa burukrasya.

The post Reorganisasyon sa mga opisyal inilutang ni Duterte appeared first on Abante News Online.

reorganisasyon sa mga opisyal inilutang ni duterte - Reorganisasyon sa mga opisyal inilutang ni Duterte
duterte 12 1 - Reorganisasyon sa mga opisyal inilutang ni Duterte

PINAG-AARALAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na ireorganisa ang mga puwesto sa gobyerno bilang bahagi ng kanyang pag­lilinis sa burukrasya.

Sa kanyang pagsasalita sa Filipino community sa Tokyo, Japan nitong Huwebes nang gabi ay sinabi ng Pangulo na seryoso siyang linisin ang gobyerno sa katiwalian kaya posibleng magpatupad ito ng rigodon sa mga opisyal na nakapuwesto sa gobyerno.

Ipinakilala ni Pangulong Duterte sa mga OFW sa Tokyo si Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na kasama rin sa Japan trip.

Ayon sa Pangulo, tapat si Belgica at seryoso sa paghabol sa mga tiwali sa gobyerno kaya ilalagay niya ito sa isang puwesto na makakatulong sa kanya para lalo pang mapaigting ang kampanya laban sa korapsiyon.

“Si Greco Belgica. Ito yung nagkakalkal ng graft and corruption kaya mag-reorganize ako tapos ilagay ko siya. He’s really honest,” anang Pangulo.

Maraming mga opisyal ng gobyerno na ang nasibak at nakasuhan dahil sa mga ginagawang imbestigasyon ng PACC.

Ibinalita rin ni Pangulong Duterte sa mga OFW sa Japan ang pinakahuling opisyal na sinibak nito sa puwesto kamakailan, partikular ang pinuno ng Food and Drug Administration (FDA) dahil sa isyu ng katiwalian. (Aileen Taliping)

The post Reorganisasyon sa mga opisyal inilutang ni Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *