Renato Reyes walang alam sa ginagawa ng gobyerno – Panelo

BINANATAN ni Presidential Spokesman Salvador Panelo si bayan Secretary General Renato Reyes dahil patuloy na pinagdidiskitahan nito ang isyu ng mass transport crisis na nauna nang itinanggi ng Malacañang.

renato reyes walang alam sa ginagawa ng gobyerno panelo - Renato Reyes walang alam sa ginagawa ng gobyerno – Panelo
panelo 13 - Renato Reyes walang alam sa ginagawa ng gobyerno – Panelo

BINANATAN ni Presidential Spokesman Salvador Panelo si bayan Secretary General Renato Reyes dahil patuloy na pinagdidiskitahan nito ang isyu ng mass transport crisis na nauna nang itinanggi ng Malacañang.

Kasunod ito ng hamon ni Reyes sa Malacañang na bumuo ng komprehensibo at pangmatagalang plano para lutasin ang mass transport crisis na kinakaharap ng Metro Manila .

Sinabi ni Panelo na sa halip na pumuna ay mas mainam na magmungkahi na lamang si Reyes baka sakaling makatulong ito sa gobyerno sa paglutas sa problema sa trapiko.

Iginiit ng kalihim na mayroong mga ginagawa ang gobyerno at nakikita naman na hindi inuupuan ng administrasyon ang problema sa traffic sa Metro Manila.

“Ang alam ko mayroong plano ang gobyerno diyan; baka si Renato mayroon siyang mungkahi para makatulong,” ani Panelo.

Minaliit din umano ni Reyes ang Build, Build, Build program ng gobyerno dahil listahan lamang aniya ng mga mga infrastructure project.

Sinagot ni Panelo si Reyes sa pahayag nito at hinamon ang Bayan leader na magtanong sa mga ahensiya ng gobyerno dahil malinaw na wala itong alam sa mga ginagawa ng administrasyon maliban sa magbantay at pumuna sa Duterte administration.

“Hindi naman niya alam iyon eh. Ang problema naman kasi sa kaniya, ‘di tanu­ngin niya; gumawa siya ng formal letter inquiring from these departments kung anong plano. And then kung walang response saka siya mag-criticize na wala. Until such time, give the benefit of the doubt to these departments that they have a comprehensive plan,” dagdag ni Panelo.(Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *