Relasyong PH-Russia titibay sa pagbisita ni Putin

TINIYAK ng Malacañang na lalo pang titibay ang realsyon ng Pilipinas at Russia sa napipintong pagbisita ni President Vladimir Putin sa bansa.

relasyong ph russia titibay sa pagbisita ni putin - Relasyong PH-Russia titibay sa pagbisita ni Putin
abante vladimir putin isis - Relasyong PH-Russia titibay sa pagbisita ni Putin

TINIYAK ng Malacañang na lalo pang titibay ang realsyon ng Pilipinas at Russia sa napipintong pagbisita ni President Vladimir Putin sa bansa.

Matatandaan na sa news conference nitong Sabado, sinabi ni Russian Ambassador to the Phili­ppines Igor Khovaev na tinanggap na ni Putin ang imbitasyon ni Pangulong Duterte na bumisita sa Pilipinas, ang unang pagkakataon na makatapak ito sa bansa.

Hindi naman isiniwalat ni Khovaev ang iba pang detalye sa darating na pagbisita ni Putin.

“Alam mo pag bumibisita yung head of state ng anumang bansa sa atin ay nangangahulugan na yung pagbisita niya ay magbibigay ng bagong relasyon between the two countries,” ani ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nitong Linggo.

“Kung mahina, palalakasin, kung malakas na, mas lalong palalakasin. Palaging ang purpose nun eh yung ating mga relasyon sa bawat bansa na kinakatawanan ng bumibisita sa atin eh magkaroon ng improvement para yung mga pangangailangan ng ating bansa at pangangailangan nila ay magkatulungan,” paliwanag pa niya.

Sa pagbisita ni Putin, inaasahang palalakasin ng Pilipinas at Russia ang security cooperation, trade and investment, intelligence sharing, tourism­ at educational partnership ng dalawang bansa. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *