Reklamo kay Xi Jinping sa ICC sablay — Palasyo

SABLAY at walang katuturan ang reklamong inihain ng dalawang da­ting opisyal ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping.

The post Reklamo kay Xi Jinping sa ICC sablay — Palasyo appeared first on Abante News Online.

reklamo kay xi jinping sa icc sablay palasyo - Reklamo kay Xi Jinping sa ICC sablay — Palasyo
abante jinping - Reklamo kay Xi Jinping sa ICC sablay — Palasyo

SABLAY at walang katuturan ang reklamong inihain ng dalawang da­ting opisyal ng gobyerno sa International Criminal Court (ICC) laban kay Chinese President Xi Jinping.

Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod ng kasong crimes against humanity na nagresulta sa pagkasira ng kalikasan sa South China Sea na sinampa nina dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi kasali sa mga nililitis ng Rome Statute ang environmental damage na siyang reklamong inihain nina Del Rosario at Morales.

Ayon kay Panelo, ang mga kasong nililitis lamang ng ICC ay murder; extermination; enslavement; forci­ble transfer of population; severe deprivation of physical liberty; torture; rape or sexual slavery; political, racial, religious, ethnic or gender persecution o iba pang uri ng hindi makataong aksiyon na nagdulot ng matinding pagdurusa.

“The Rome Statute does not include environmental damage. The filing of their complaint maybe futile exercise. The ICC has no jurisdiction over China,” ani Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na hindi rin awtorisado sina Morales at Del ­Rosario na magsampa ng reklamo sa ICC laban kay President Xi sa ngalan ng Pilipinas dahil umano kailanman naging miyembro ang bansa matapos mabigong masunod ang isa sa mga requirement para maging ­ganap na miyembro.

Magkagayunman, magiging kuwestiyon din ang hindi pagiging state party ng China sa ICC kaya walang hurisdiksyon sa kanila ang ICC.
“China is not a state party to the ICC hence the latter cannot take jurisdiction,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Taliping)

The post Reklamo kay Xi Jinping sa ICC sablay — Palasyo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *