Reklamo kay Duterte sa ICC patay na — Roque

Reklamo kay Duterte sa ICC patay na — Roque

Wala nang saysay ang paghahabol ng International Criminal Court (ICC) kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa bintang na extra judicial killings at human rights violations.

The post Reklamo kay Duterte sa ICC patay na — Roque appeared first on Abante News Online.

reklamo kay duterte sa icc patay na roque - Reklamo kay Duterte sa ICC patay na — Roque
ICC 2 - Reklamo kay Duterte sa ICC patay na — Roque

Wala nang saysay ang paghahabol ng International Criminal Court (ICC) kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa bintang na extra judicial killings at human rights violations.

Ito ang inihayag ng dating tagapagsalita ng Malacañang na si dating secretary Harry Roque, na isa ring batikang international lawyer.

Ayon kay Roque, nananaginip si ICC Prosecutor Fatou Bensouda sa pahayag nito na itutuloy pa rin ang pag-imbestiga kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Roque na dapat sundin ng ICC prosecutor ang nakapaloob sa Rome Sta­tute na dapat nagsampa muna ng preliminary investigation bago naging epektibo ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

“Nananaginip sila.Malinaw ang Rome Sta­tute para magpatuloy ‘yan dapat nagsampa ng preliminary investigation ‘yung prosecutor bago naging epektibo ‘yung pagkalas natin sa ICC,” ani Roque.

Ipinaliwanag ng da­ting kalihim na hindi pa nagsisimula ang preliminary investigation laban sa Pangulo kaya masasabing patay na ang reklamo laban sa kanya.

“Kasi ang preliminary examination, hindi pa nagsisimula ang prose­song ‘yan, wala pa ‘yun. So kailangan bago mag-withdraw para magkaroon ng hurisdiksiyon ang ICC eh meron ng preliminary investigation. And since walang ganon, patay na po, binasura na ang lahat ng reklamo laban kay Presidente. Pero siyempre, puwede pa silang mana­ginip hayaan po natin silang umasa,” dagdag pa ni Roque.

Kung mayroon aniyang batas na nalabag si Pangulong Duterte ay dapat sa mga korte sa bansa ito isampa gaya ng Ombudsman dahil may kapangyarihan ito na magsampa ng kaso laban sa Presidente.

“Kung merong batas na nalabag ang Presidente, dapat dito sa mga korte natin isinasampa gaya ng Ombudsman dahil ang Ombudsman naman may kapangyarihan na mag-imbestiga, magrekomenda ng impeachment at pagkatapos ng kanyang termino sampahan siya sa korte. Hindi dapat na pumupunta sa ICC na para bang court of instance,” wika pa ni Roque.

The post Reklamo kay Duterte sa ICC patay na — Roque appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *