Rehab task force para mas mabilis

Binabalangkas na ng Malacañang ang Executive Order para sa binuong task force ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapabilis sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng kalamidad.

The post Rehab task force para mas mabilis first appeared on Abante.

rehab task force para mas mabilis - Rehab task force para mas mabilis
abante rehab - Rehab task force para mas mabilis

Binabalangkas na ng Malacañang ang Executive Order para sa binuong task force ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapabilis sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng kalamidad.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang task force ay tatawaging Build Back Better Task Force na pangungunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Layon ng Task Force na magkaroon ng permanenteng body na tututok sa post disaster rehabilitation recovery sa mga lugar na matinding tinamaan ng mga kalamidad .

Magiging miyembro ng TF ang Philippine Air Force, Philippine Navy at Philippine Coast Guard.

Sinagot ni Roque ang mga kritisismo na mayroon ng ahensiya na gumagawa at tumututok sa mga kalamidad at magdodoble lamang ng trabaho.

” Let’s give it a chance, ang gusto talaga ng Presidente ay mas mabilis na pagbigay ng pangangailangan ng ating mga kababayan pag mayroong kalamidad,” ani Roque.

Magiging bentahe aniya na si Executive Secretary Medialdea ang mamumuno sa task force dahil hindi na dadaan sa council ang an mang gagawing desisyon . (Aileen Taliping)

The post Rehab task force para mas mabilis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *