Region 3, 5, 7 bigo sa drug war — PNP

SA kabila ng kaliwat-kanang kampanya kontra iligal na droga ng pulisya, kailangan pang mag-doble kayod ang mga awtoridad matapos ang ulat na mahigit lang sa 12,000 mula sa mahigit 40,000 barangay ang iniulat na drug free base sa ulat ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

The post Region 3, 5, 7 bigo sa drug war — PNP appeared first on Abante News Online.

region 3 5 7 bigo sa drug war pnp - Region 3, 5, 7 bigo sa drug war — PNP
ABANTE pnp1 - Region 3, 5, 7 bigo sa drug war — PNP

Ni Edwin Balasa

SA kabila ng kaliwat-kanang kampanya kontra iligal na droga ng pulisya, kailangan pang mag-doble kayod ang mga awtoridad matapos ang ulat na mahigit lang sa 12,000 mula sa mahigit 40,000 barangay ang iniulat na drug free base sa ulat ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

Sa command conference sa Camp Crame, iniulat ni Police Major General Mao Aplasca, Chief ng Directorate for Operations na sa 42,045 barangay, 12,177 pa lang dito ang drug cleared.

Nangunguna sa rehiyon na may pinakamaraming drug cleared barangay ang Region 1 na umabot sa 1,967. Pumangalawa ang Region 8 na nakapagtala ng 1,919 drug cleared barangay at ikatlo ang Region 6 na mayroong 852.

Lumalabas naman sa ulat na ang Region 3, Region 5 at Region 7 ang mga rehiyon na pinakaapektado ng pagkalat ng iligal na droga.

Samantala, umabot sa mahigit 6,000 ang nasawi sa mga isinagawang kampanya kontra iligal na droga ayon pa rin sa ulat ng pulisya.

Sa isinagawang command conference ng PNP sa Camp Crame, iniulat din ni Aplasca na umabot na sa 6,600 ang mga nasawi sa kanilang anti-illegal drug campaign sa buong bansa.

Iniulat din ni Aplasca na kabuuang 1,530,574 ang mga drug personality na sumuko sa mga pulis at 240,565 ang mga naaresto.

The post Region 3, 5, 7 bigo sa drug war — PNP appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *