Red tape sa LTFRB: Mga guwardiya pinag-initan, sinibak ni Delgra

PINATANGGAL ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board chair Martin Delgra III ang lahat ng mga security guard at kanilang mga  detachment commander simula kahapon.

red tape sa ltfrb mga guwardiya pinag initan sinibak ni delgra - Red tape sa LTFRB: Mga guwardiya pinag-initan, sinibak ni Delgra
ABANTE ltfrb - Red tape sa LTFRB: Mga guwardiya pinag-initan, sinibak ni Delgra

PINATANGGAL ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board chair Martin Delgra III ang lahat ng mga security guard at kanilang mga  detachment commander simula kahapon.

Sa liham kay Commander Security Services Inc. president Carmelo Ayson, sinabi ni Delgra na pinatatanggal niya ang lahat ng security guard ng ahensiya pati na ang detachment commander na nakadestino sa central office ng LTFRB simula nitong Martes, Hulyo 30.

Ayon kay Delgra, bunsod ito ng entrapment operation na isina­gawa sa LTFRB noong Biyernes, July 26, ng National Bureau of Investigation, Presidential Anti-graft and Corruption Commission at ng Anti-Red Tape Autho­rity.

Hiniling ni Delgra na palitan ang mga sekyu at ipadala and kanilang mga kapalit para ma­bigyan ng orientation sang-ayon sa security protocol ng LTFRB board.

Si Delgra mismo ang sinisisi ng ilang mga driver ng transport network vehicle system tulad ng GRAB sa pahirap na kanilang sinasapit dahil sa administrasyon ni Delgra na dinagdagan ang kanilang mga requirement para mamasada o magnegosyo.

Isa sa mga requirement na dinagdag ng LTFRB board ang certificate of bank deposit at certificate of conformity para sa mga umutang sa bangko para sa kanilang unit. Dahil sa mga karagdagang requirement na ito, nagkandarapa ang mga driver at TNVS operator maghanap ng P50,000 para sa bank conformity na lalampas pa sa P110,000 pa sa ilan, depende sa bangko. Bukod pa sa certificates ng bangko, hinahanapan din ang mga operator ng garahe na 25 meters ang laki.

Inutusan din ni Delgra lahat ng regional director at OIC sa LTFRB na isumite sa kanyang tanggapan ang kanilang mga Statement of Assets and Liabilities at dumaan sa voluntary lifestyle check na maa­ring isagawa ng Office of the President.

Kada taon nagsusumite ng SALN ang lahat ng kawani ng pamahalaan sa kanilang mga opisina. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *